BAWAT SANDALI

1.1K 20 0
                                    

Yaz feel be like

Kahit saang anggulo,
Tingnan ay magulo,
Ang sitwasyon natin,
Ano nga ba tawag sa atin?

Para sa akin higit ka pa sa kaibigan,
Bihira rin kung ako iyong tawagan,
Napakalabo ng ating relasyon,
Nag-aalala rin ako sa ating sitwasyon.

Masyado na kong nadadala ng aking damdamin,
Natatakot nasa huli ay iwan mo lang din,
Hindi ko maiwasan ang mangamba,
Baka may gusto ko pa lang iba.

Handa nga ba kong masaktan,
Paano ka ba mabilis nakalimutan?
Bawat sandali na kasama ka, akin nang dadamhin,
Ang masaktan muli ay saka ko na aalalahanin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now