SIMULA PA LANG

207 3 0
                                    

Yaz feel be like

Nangako ako na di s'ya  sasaktan,
Pero sa aking nagawa s'ya'y masasaktan,
Maling mali ginusto ko man o hindi,
Ang pagtugon magdudulot ng sakit na matindi.

Ako ang una n'ya,
Tapos sa ginawa ko masasaktan s'ya,
Nangako rin ako kay Maxpein,
Pamilya n'ya, ano na lang ang iisipin.

Hindi ko sinasadya,
Na masaktan s'ya,
Pero baliktarin man mali ako,
Nabali agad ang pangako ko.

Relasyon namin nagsisimula pa lang,
Handa ko na s'ya ipakilala sa aking magulang,
Tadhana ay sinusubukan ako,
Pareho silang nasasaktan ko.

Tiwala sa akin ayoko magkalamat,
Magiging masama ako sa paningin nilang lahat,
Handa na kong makarinig ng sumbat at panghuhusga,
Simula pa lang kasalanan ko na talaga.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now