KUNG MAIBABALIK KO LANG

351 4 0
                                    


Yaz feel be like

Kung maibabalik ko lang, ang lambing ng kanyang boses,
Ang pagsuyo n'ya sa akin noon ng ilang beses,
Kung maibabalik ko lang, ang aming simula,
Hindi sana nasasaktan ng ganitong kalala.

Kung maibabalik ko lang, ang oras ng aming pag-amin,
Ang mga masasayang sandaling pinagsaluhan namin,
Kung maibabalik ko lang, ang dati n'yang pakikitungo,
Pero alam ko marami nang tuluyang nagbago.

Kung maibabalik ko lang ang masayang sandali,
Kung kaya lang itama ang pagkakamali,
Kung maibabalik ko lang ang kanyang nadarama,
Sana ngayon ay nanatili ko s'yang kasama.

Kung maibabalik ko lang at hindi s'ya pinaluha,
Hindi ganitong sakit ang aking nakukuha,
Kung maibabalik ko lang at ako ay nangako,
'Di sana may pag-asa na maging s'ya pa rin at ako.

Kung maibabalik ko lang, noon s'ya'y kapiling,
Hanggang mapagod at katabi s'yang nahihimbing,
Kung maibabalik ko lang ang ikot ng mundo,
Hindi sana ngayon nasasaktan ng todo.

Kung maibabalik ko lang, hindi sana nasasaktan,
Hindi nahihirapan na s'ya ay kalimutan,
Kung maibabalik ko lang ang kanyang pagmamahal,
Dahil hanggang ngayon s'ya pa rin ang aking minamahal.







Naisulat ko ito sa dahil sa twitter post ni Miss Maxine nung nakaraang araw lyrics ng kanta ng KUNG MAIBABALIK KO LANG...na kakantahin yata ni Yaz

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon