NANG DAHIL SA KANYA

129 1 0
                                    

Yaz feel be like

Nang dahil sa kanya, nagmamahal muli ako,
Nagbago ako, mula nang s'ya ay makilala ko,
Nang dahil sa kanya, natutong magpakatotoo,
Sarili ko ay muli kong binubuo.

Nang dahil sa kanya ay natuto ako,
Naging mas maaliwalas ang paligid ko,
Nang dahil sa kanya, ako ay unti-unting nagbago,
Sarili ko ay naibangon mula sa pagkabigo.

Nang dahil sa kanya, masaya na ulit ako,
Makasama s'ya habang buhay ang tanging pangarap ko,
Nang dahil sa kanya, tanggap ko na ako ay 'di perpekto,
Isa't isa ang sa amin mismo kukumpleto.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon