S'YA ANG DAHILAN

96 1 0
                                    

Yaz feel be like

Natutunaw ang puso ko,
Sa naririnig ay naiiyak ako,
Kapintasan ko ay tanggap n'ya,
Mas lalong minahal ko s'ya.

Palagi s'yang tahimik at seryoso,
Ngayon napatunayan ko na s'ya'y seloso,
Kay Rembrandt s'ya'y naiinis,
Ang sapakin ito ay 'di n'ya natiis.

Siguro tadhana na makilala ko s'ya,
Lahat sa akin ay binago n'ya,
S'ya ang dahilan ng pagtitiyaga ko,
Dahilan kaya nakabangon ako.

S'ya ang dahilan ng matamis kong ngiti,
S'ya ang dahilan kaya nais kong mapabuti,
S'ya ang dahilan kung bakit sarili ko muling binuo,
S'ya ang dahilan kung bakit tanggap ko na sariling pagkatao.

Pagkatao ko nasa iba ay kapuna-puna,
Mga pagkatao ko nasa akin nagpapahina,
Sa kanya hindi ako nakatanggap ng panghuhusga,
Bagkus nakatanggap ako ng pagpapahalaga.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now