KUNG MAARI LANG

1K 21 0
                                    

Yaz feel be like

Kasiyahan ko ay sabihin ng mababaw,
Kapag pinapansin mo gusto nang magsisigaw,
Dahil ikaw ang bumubuo ng aking araw.

Kung maari lang palagi kang nakakasama,
Kaso ang oras kung minsan ay 'di nakikisama,
Kaya kung minsan pagkainip ang aking nadarama.

Nalulungkot kapag hindi mo pinapansin,
Alam mo naman hindi kita kayang tiisin,
Kaya kapag kasama ka oras nais kong lubusin.

Kung maari lang makasama ka sana madalas,
Kung kaya ko lang ihinto ang oras,
Para sa tabi ko ay hindi ka na makatakas.

Subalit wala akong kakayahan,
Makasama ka ay aking kasiyahan,
Sana iyo ring maintindihan.

Kung maari lang na dito ko lang,
Araw ko kapag wala ka ay kulang,
Oras natin sa isa't isa ay bilang.

Ayoko naman maging madamot,
Kung ano tayo ay hindi ko nalilimot,
Alam ko mahal mo ang pag gagamot.

Kung maari lang din sana,
Nadarama mo ay sabihin mo na,
Dahil natitirang pag-asa ko ay humihina.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiDove le storie prendono vita. Scoprilo ora