SANA KAHIT MINSAN

560 6 0
                                    

Maxrill feel be like

Sana kahit minsan, ako'y pansinin,
At ako ang unang kausapin,
Sana kahit minsan, ako'y hanapin,
At iyong unang alalahanin.

Sana kahit minsan ay seryosohin,
Lahat ng aking sasabihin,
Sana kahit minsan, ako'y unahin,
Nararamdaman masubukang intindihin.

Sana kahit minsan iyong pakinggan,
Na gusto kita higit pa sa kaibigan,
Sana kahit minsan, ako'y pagbigyan,
Naramdaman kong ito, ikaw nais pag-alayan.

Sana kahit minsan, isip mo'y buksan,
Katotohanan ay huwag takasan,
Sana kahit minsan, seryosohin ika'y nagugustuhan,
At nadarama ko sana 'wag mong pagtakhan.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon