ZAIMIN YAZ

107 0 0
                                    

Maxwell feel be like

Ako raw ay seloso,
Sa kanya, ako ay seryoso,
Ayoko na s'yang pakawalan,
Nais na s'yang pakasalan.

Ngayon ko lang na 'to nadama,
Isang babae gusto ko makasama,
Babaeng nagpabago sa akin,
Lahat ay handa n'yang hamakin.

Babae na tinatanggap ang panghuhusga,
Babae nasa likod ng mga ngiti, puso ay pinipiga,
Babae nasa paningin ng iba ay hindi perpekto,
Babae na nagtibag sa puso ko na akala ko'y naging bato.

Marahil may dahilan aming pagkakakilala,
Para isa't isa bigyan namin ng parehong simula,
Simula na magbago at lumimot,
At pawiin ang dahilan ng aming lungkot.

Nagmamahal na naman ako ng isang ate,
Zaimin Yaz babaeng napaka arte,
Wala na kong balak na bitawan pa s'ya,
Gagawin lahat upang patuloy na piliin n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now