ANO KO

821 13 0
                                    

Yaz feel be like

Pinipilit ko naman s'yang intindihin,
Kung minsan nawawalan na ko ng sasabihin,
Nakakapansin na ang mga nakakakita sa amin,
Ano nga ba ang tunay na label namin?

Kung maari ko lamang s'yang tanungin,
Minsan hindi ko alam ano ko sa kanyang paningin,
Ayoko naman s'yang diretsuhin at guluhin,
Pakiramdam ko hindi n'ya ko sasaluhin.

Ang maghintay hindi ba ko magsasawa,
Bakit pakiramdam ko sa huli ako ang kawawa,
Kay Maxrill nagpapasalamat dahil nandiyan s'ya,
Pinaparamdam na ako ulit ay sasaluhin n'ya.

Sa akin sarili, gusto ko na rin matawa,
Maghintay sa kanya, 'di ba ko nagsasawa,
Hanggang kelan ko naman kaya makakaya,
Kung hanggang ngayon,'di ko alam kung ano ko para sa kanya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now