Chapter 13

748 11 1
                                    

Yaz feel be like

Tinatanong nila ko,
Sa buhay mo ay ano nga ba ako,
Maiintindihan pa nila kapag daw si Keziah,
Kaya heto ako nagseselos sa kanya.

Naririnig ko ang usapan nila,
Na sabay daw kayo umuuwi ni Keziah,
Pero usapan nila ay natigil,
Nang ako unang inasikaso ni Maxrill.

Si Maxrill ay nililigawan daw ba ko?
Ang sagot ko rito ay mas matanda ako,
Alam ko raw ba kung gaano ito kaabala,
Nahahatid sundo pa ko, na napapansin nila.

Kinausap ako ni Susy sa mga napapansin n'ya,
Nagkamali ako ng akala, sa kanya ako'y napahiya,
Hindi man lang n'ya ko hinanap,
Ang tagal na rin namin 'di nag-uusap.

Sakit ng nakaraan aking naaalala,
Maging ang dahilan kung bakit ko sila nakilala,
Sa kabila ng kanyang kasungitan,
Dahil sa kanya ex boyfriend ko ay aking nalimutan.

Sumama ko kina Raffy sa bar,
Lagi nila akong inaasar,
Hanggang may marinig kaming kumakanta,
At si Maxrill ang aming nakita.

Hanggang magtagpo ang mga mata namin,
At naglakad na ito papalapit sa amin,
Mga kasama ko ay inaasar na ko,
Marunong s'ya magmix ng alak kaya napahanga ako.

Naparami ang nainom ko,
Nagprisinta si Maxrill na hahatid ako,
Noong una ay tumanggi ako sa kanya,
Pero sa huli ako rin ay hinatid n'ya.

Hanggang elevator na lang sabi ko,
Sagot n'ya hanggang loob ihahatid n'ya ako,
Sabi ko pag ganon ano ko na s'ya,
Mag move on muna raw ako sa kuya n'ya.

Inaasar na talaga n'ya ko,
Hindi n'ya raw gagawin sa babaeng kanyang gusto,
Malapit na kami sa apartment ni Maxrill,
Hanggang pareho kaming napatigil.

Anong ginagawa n'ya rito?
Pagkahilo ko bigla na lang nahinto,
Kay Maxrill ay nagpasalamat s'ya,
Aking apartment ay binuksan n'ya.

Nagugutom ba raw ako tanong n'ya,
Hindi ito ang tanong na inaasahan ko sa kanya,
Bago raw s'ya umalis, ako'y ipagluluto,
Sa hospital ay pinababalik ko na ito.

Ano raw gusto kong gawin tanong n'ya,
Magswiswimming ako sagot ko sa kanya,
Naging malakas ang loob ko,
Tinanong sa buhay n'ya ay ano ba ako?

Alam ko na raw, sagot n'ya,
Naiinis ako bakit nag-iisp pa s'ya,
Kung alam ko magtatanong pa ba ko?
Sa mga ipinapakita n'ya, ako'y sumusuko.

Ako na mismo sumagot sa tanong ko,
Sa buhay n'ya ay wala ako,
Dahil wala akong importansya,
Umahon na ko, pagod na ko sa kanya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now