UMAASA

771 12 0
                                    

Yaz feel be like

'Di ko alam ba't 'di pa ko sumusuko,
Kahit sinasabi na ng isipan ko,
Na malabo na maging tayo,
Umaasa na may pag-asa pa sa 'yo.

Ilang beses ko nang inaamin,
Itong nilalaman ng damdamin,
Sarili ko napapagod na ring tanungin,
Umaasa na ikaw rin ay may pagtingin.

Madalas man akong maguluhan,
Kung itong ginagawa ay may patutunguhan,
Ganito na yata katindi aking nararamdaman,
Dahil parehong puso at isip ko ikaw ang laman.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now