TINITIYAK KO

1.3K 28 0
                                    

Maxwell feel be like

Nangingiti ako kapag ika'y naiinis,
Hindi mo rin ako matiis,
Hindi maamin na ika'y namimiss.

Kapag s'ya ay lumalapit sa 'yo ako'y naiirita,
Hindi ko maiwasan ang maningkit aking mga mata,
Lalong hindi ko mapigilan ang hindi manita.

Batid ko naman na malapit kayo,
Ramdam ko na may pagtingin s'ya sa 'yo,
Gusto ko ipakita sa kanya na nagkakamabutihan na tayo.

Hindi pa maamin ang tunay nararamdaman,
Alam ko na nasasabik ka na ring malaman,
Tinitiyak ko na isip ko ay ikaw ang madalas na laman.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now