SANA NGA

780 15 0
                                    

Yaz feel be like

Sanay na sanay na ko,
Na dinadaanan n'ya lang ako,
Mukha ko ay aking kinakapalan,
Ang magpapansin ay 'di ko tinitigilan.

Kahit tila ako'y isa ng desperada,
Ayos lang dahil ako ay maganda,
Pareho naman kaming walang karelasyon,
Kaya lang malihim nga pala ang isang 'yon.

Wala ngang permanente sa mundo,
Pinapansin na ko ni suplado,
Ano kaya ang nakain n'ya?
At sa akin biglang bumait s'ya.

Akala ko ay panaginip ito,
Pero totoo pala 'to,
Sana ay walang katapusan ang saya,
Sana ay natauhan nga s'ya.

S'ya'y isang Del Valle na topakin,
Sana nga s'ya'y masabi kong "akin",
Iniisip n'ya ay hindi ko mahulaan,
Sana nga s'ya na ang lalaking sa akin nakalaan.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now