'DI PA ALAM

734 16 0
                                    

Yaz feel be like

Noong una tayong nagkita,
Ay agad na sinungitan kita,
Hindi ka agad makapagsalita,
Nagtaka ka sa aking pagsita.

Ikaw ay gentleman pala,
Unti-unti kitang nakikilala,
Sa 'yo kung minsan ay nabibigla,
Kaya kung naman ako ay napapatulala.

Naaalala nang naospital tayo,
Ako ay bumisita sa 'yo,
Kami ni Keziah iyong pinaglalayo,
Akala ko pa naman ay kayo.

Paalis na sana ako,
Nang biglang pigilan mo ko,
Bago ako lumabas ng pinto,
Ikaw ay aking binato.

'Di ko alam kung kelan nagsimula,
Itong aking pag-aalala,
Sa 'yo puso ko ay nahulog na pala,
Iniisip ka na parati at natutulala.

Namalayan na lang gusto na kita,
Tao sa ating paligid ay nahahalata,
Napapangiti ako kapag ika'y nakikita,
Kahit pa paniningkitan mo pa ng mga mata.

Noong nasa Palawan tayo,
May pagtingin na ko sa 'yo,
Inaasar na nga nila ako,
Halata na ikaw ay gusto ko.

Ikaw ang aking mundo,
Kahit pa hindi tayo magkasundo,
Ako ay patuloy pa rin na nandito,
Nadarama sa 'yo 'di pa alam pa'no ihinto.





Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now