Chapter 18

274 2 0
                                    

Yaz feel be like

Gagamutin na sana n'ya ang aking kamay,
Nang tawagin s'ya ni Keziah na akala mo may bahay,
Hindi nga ako nito agad napansin,
Nang makita ako, ano raw nangyari sa akin?

Si Naih ang sumagot sa tanong n'ya,
Hindi ko maiwasan mainis sa kanya,
Si Maxwell daw ay kailangan na raw nila ito,
Sa akin daw puwede naman na iba ang umasikaso.

Hinila ko kay Maxwell ang kamay ko,
Sabi ko sa kanya na ayos lang ako,
Hindi naman malalim ang aking sugat,
Halata sa kanya ang pag-aalala at gulat.

Hindi s'ya agad umalis at kinausap pa si Dr. Diego,
Lumapit ito sa akin ay nakatitig s'ya sa mukha ko,
Agad naman lumapit si Maxrill sa aking tabi,
Nasa kamay ko raw ang sugat at 'di sa mukha masungit n'yang sabi.

Pinauwi ko na sila Tita Maze, pati kapatid ko sumama,
Halos tingnan ko si Naih ng masama,
Nagpa-iwan si Maxrill, s'ya ang nagbantay sa akin,
Tinanong at binili ako ng gusto kong kainin.

Muntik na ko makatulog sa paghihintay sa kanya,
Inilagay n'ya sa lamesa ang ipinamili n'ya,
Biglang bumukas muli ang pinto,
Si Maxwell may bitbit na tray ito.

Hindi namin pinauwi si Maxrill, niyaya na sumabay sa amin,
Si Maxwell dala raw n'ya ay sarili n'yang pagkain,
Alam namin ni Maxrill na para sana sa akin dapat iyon,
Napapangiti ako, walang nagbago sa pakikitungo nila ngayon.

Ang pumasok sa kuwarto ni Maxwell ay pinag-usapan namin,
Natatakot ako baka maulit ang nangyari dati sa amin,
Si Maxrill nangako sa akin na proprotektahan ako,
Si Maxwell ay tahimik at nanatiling nakayuko.

Sa sinabi ni Maxwell ay natigilan ako,
Pangarap n'ya ay tila nagbabago mula nang makilala ko,
Ang mga ginagawa ni Maxrill ay dapat daw ay s'ya,
Nakaramdam ako bigla ng awa sa kanya.

Nagising ang diwa ko sa isang kuwentuhan,
Na masasabi kong hindi ko nagustuhan,
Sabi ni Randall isang doktor ang asawahin n'ya,
Hindi pa raw ba nito nililigawan si Keziah.

Lahat daw ng nakakakilala sa kanila ay umaasa,
Sagot ni Keziah ay pati nga s'ya ay umasa,
Biro ni Maxwell kung nauna raw s'ya kay Dein,
Ay baka sila ang nagkatuluyan, pero 'di biro dating non sa akin.

Hindi ako nakatiis at bumangon na ko,
Kinamusta ko ni Randall at pumasok ako ng banyo,
Nang may biglang kumatok sa pintuan,
Si Maxrill sa mga dala n'ya ay bigla kong natigilan.

Ramdam ko ang sinseridad sa mga ginagawa n'ya,
Napatingin ako kay Maxwell ay nakayuko na s'ya,
Sina Randall at Keziah ay nakatingin sa amin,
Si Randall hindi nakatiis na kami ay tanungin.

Kami raw ba ni Maxrill ay may relasyon,
Agad kong sinagot ang tanong na 'yon,
Mga sinabi ni Randall ay 'di nagustuhan ni Maxrill,
Hanggat 'di nasasagot ay hindi talaga titigil.

Nagulat kami si Maxwell ay umamin,
Relasyon namin ay kanyang inamin,
Natigilan si Randall 'di makapaniwala,
Sa reaksyon n'ya ay naiinsulto ko bigla.

Umalis na si Maxrill pinagdala lang daw kami ng pagkain,
Sabi naman ni Randall ay naghihintay sa kanya si Dein,
Si Keziah kumain na daw may ipinaalala lang,
Sa nangyari, ako ay napaisip na lamang.

Sa aking pag-iisip, halo-halo naging laman nito,
At isa lang ang itinuturo,
"I deserve better", iyon ang sinasabi
Napagtanto ko iyon simula ngayong gabi.







Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now