Chapter 7

1.8K 27 0
                                    

Yaz feel be like

Bugso muli ng sariling damdamin,
Mainit na mga sandali pinagsaluhan namin,
Sana lagi na lamang kaming ganito,
Ang masayang araw ay hindi na mahinto.

Sa akin ngayon ay malambing s'ya,
Tanong sa sarili hanggang kelan kaya,
Kung anong meron kami ay hindi malinaw,
Sana 'di matapos masasaya kong mga araw.

Minsan silang nagtalo ni Keziah,
Tila ako naman ay nakokonsensya,
Napapaaway s'ya ng dahil sa akin,
Alam ko sa trabaho s'ya'y pagod na rin.

Nagluto ako ng aming agahan,
Kaming dalawa ay naglambingan,
Sabi ko sa trabaho gusto ko na mag-umpisa,
Sukat daw ng katawan ko ay kanyang kabisa.

Hanggang nag-usap kami ng seryoso,
Sa sinabi nalito ang aking isip at puso,
Ano nga ba ang matatawag sa relasyon namin,
"I want you" iyon lang ang huling sabi n'ya sa akin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now