KELAN KAYA

136 0 0
                                    

Yaz feel be like

Mula nang makilala ko s'ya,
Lahat ay hinangaan ko sa kanya,
Kahit parang ewan na nagpapansin,
Ako ay habol ng habol pa rin.

Mula nang mahalin ko s'ya,
Sarili walang pag-aalinlangan binigay sa kanya,
Hindi sumagi sa akin ang pagdadalawang isip,
Ang mahalin n'ya rin tila isang panaginip.

Akala ko matutupad na aking pangarap,
Akala ko s'ya na ang aking hinahanap,
Tila ako na naman ay nag-iilusyon,
Wala yata akong suwerte pagdating sa relasyon.

Pilit ko naman iniintindi ang lahat,
Tila kulang pa rin at hindi sapat,
Sa akin ba talaga ay may kulang,
Ako ba ang dapat ang manghinayang.

Sa kanyang mga kilos at ipinapakita,
Hindi ako makapagsalita,
Pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo,
Sa sakit na ito kelan kaya ako makakatayo?

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now