NAGKAMALI NA NAMAN BA

120 0 0
                                    

Yaz feel be like

Sa kagustuhan ko sila manatili,
Halos wala na kong itira sa aking sarili,
Sa paningin nila ito ay maling mali.

Nasanay ako hindi nagsasabi ng saloobin,
Madalas mag-isa, nasanay sa kutya sa akin,
Pero nang makilala s'ya, nagawa n'ya itong baguhin.

Aaminin kaligayahan ko sa iba nakadepende,
Nasanay sa pinupukol sa akin, na ako'y maarte,
Nang maging kami akala ko ay  makakampante.

Ngayon unti-unti ng sinasampal sa akin,
Mga saloobin ko ay 'wag sarilinin,
Dahil hindi lahat magagawa kang unawain.

Hindi sapat na mahal ko lang s'ya,
Dapat nagiging bukas ako sa kanya,
Pero paano 'yon, ako ay tinatalikuran n'ya.

Nagsisimula naming relasyon,
Nanganganib matapos ngayon,
Nagkamali na naman ba ko ng desisyon?

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now