S'YA'Y AKING GUSTO

1.3K 25 0
                                    

Maxrill feel be like

Masaya na s'ya ay nakakasama,
'Di maipaliwanag ang nadarama,
Madalas n'ya kong ipagluto,
Ng mga pagkaing aking paborito.

Mabilis lumipas ang mga araw,
Sa kanya lihim akong tumatanaw,
Batid ko na iba ang gusto n'ya,
At iyon walang iba kundi ang aking kuya.

Kahit na sungitan pa s'ya nito,
Ang umasa rito ay hindi s'ya humihinto,
Hindi n'ya ramdam na ako ay nandito lang,
Handang punan sa buhay n'ya kung ano mang kulang.

Nais ko makita lagi s'yang masaya,
Maramdaman n'ya na nandito ako para sa kanya,
Sa paghihintay ng pagkakataon ay hindi humihinto,
Ipaparamdam sa kanya na s'ya'y aking gusto.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now