LWL

7.5K 89 1
                                    

Nagsisimula pa lang ang kuwento,
Nasa ikasampung kabanata pa lang ito,
Ang buhay natin ay hindi palagi masaya,
May pagkakataong kailangan nating magparaya.

Ang pagdedesisyon ay hindi madali,
Hindi maiiwasan may masasaktan ka sa huli,
Iba-iba ang kahulugan ng pag-ibig,
Hindi palagi masaya at puro kilig.

Sa pag-ibig hanggang saan ang ating limitasyon,
Hanggang saan tayo dadalhin ng ating emosyon?
Dahil sa kahit anong aspeto hindi tayo laging nananalo,
Minsan mas mainam na makaranas ka ng pagkatalo.

Dalawang magkapatid magiging magkaribal nga ba,
Damdamin n'ya ba para sa isa ay mag-iiba?
Dalawa silang bahagi ng kanyang buhay,
Pero damdamin n'ya sa isa lang maibibigay.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now