NAIS KO

1.2K 23 0
                                    

Maxrill feel be like

Nais kong iparamdam,
Nais kong ipaalam,
Ang laman ng damdamin,
Sagot n'ya nais ding alamin.

Subalit ika'y umiiwas,
Lalo tawag ko na lang sa 'yo ay Yaz,
Sana ako iyo lamang hayaan,
Tinitiyak ko hindi kita pababayaan.

Nais ko iyong makita,
Na hindi lang ako puro salita,
Na tulad ko maari mong maging higit pa sa kaibigan,
Sana nga lang 'wag mo balewalain at iyo nang pakinggan.

Palibhasa s'ya lang parati mong nakikita,
Buksan mo maigi ang iyong mga mata,
Nandito ako, sa 'yo tahimik ding naghihintay,
Sa aking paningin, ganda mo ay walang kapantay.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now