DAHIL

227 1 0
                                    

Yaz feel be like

Walang paglagyan aking saya,
Na ako rin mahal n'ya,
Na ngayon ay boyfriend ko s'ya,
Noon ako lang ang may gusto sa kanya.

Sa mga naririnig ako ay napapatulala,
Hindi ako makapaniwala,
Pakiramdam ko ayaw n'ya na kong mawala,
Luha sa aking mga mata ay kumawala.

Nais itanong sa sarili kung panaginip ba 'to,
Ang lalaking matagal ko ng gusto,
Ay mahal na mahal ako,
At ngayon sa akin ay nangangako.

Dahil sa kanya ako ay nagbabago,
Nadarama ay hindi itinatago,
Malayo na ko sa dating ako,
Dahil s'ya ang naging inspirasyon ko.


Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now