Seventy One

1.4K 63 23
                                    

An: Malapit na.. :)
Happy New Year and Belated Merry Christmas everyone. Ito na lang ang regalo ko sa inyo. The longest chapter soo far. <3

•••
#ElitesDive


“Does your girlfriend know you're here, with me?” I casually asked Blaze. Ilang segundo pa ang lumipas bago s'ya nakasagot.

“Of course.” Of course it's a lie. Kung hindi ko kilala si Lacey, baka naniwala akong totoo ang sinasabi n'ya. “Nothing will change kahit naman hindi n'ya alam. Nandito na tayo. I meant all  encouraging words I told you earlier.”


Hindi na ako nagtanong pa dahil baka masira ko lang ang mood n'ya.


“Nasusunog mo na yang sa'yo. Ako na nga ang magiihaw.” he volunteered and gets my barbecue stick.


Hinayaan ko na lang s'ya at hindi na ako umalma pa. Masyado s'yang focus sa pagiihaw na paminsan minsang napapangiti pa kapag natatapos na s'ya sa batch ng iniihaw n'ya. Sa ganoon kaliit na gesture, hindi ko maiwasang mapahanga kahit papaano. Ewan ko ba, siguro dahil hindi naman ito yung Blaze na pagkakakilala ko sa kanya. Yung Blaze na kilala ko kasi, palaging kunot noo at salubong ang kilay. Mabilis uminit ang ulo, maikli ang pasensya at hindi madaling maplease sa mga ganitong kaliit na bagay.

Parehas lang kaming nakaupo sa isang mababang wood stool na sinet up n'ya rito sa buhanginan kasama ang maliit na picnic table at barbeque grill. Hindi ko alam kung pinaghandaan n'ya ba o talaga lang na boy scout s'ya kaya may naihanda s'ya. I find it cute though. Isang panibagong kaalaman na naman tungkol sa kanya.


“Gutom ka na ba?” mausisang tanong n'ya sa'kin habang nagpapaypay sa ihawan.


“Hindi pa naman masyado. I can wait. Sabay na tayo.”


“You sure?” pagsisigurado s'yang tumingin sa'kin.

Tumango lang ako at palihim na napalabi na lang habang palihim na pinagmamasdan s'ya. Who would have thought that Blaze was a thoughtful guy..friend.

Maybe my decision to accept him to become one of my friend wasn't bad at all. I can tell that he's a great distraction. Kahit papaano ay nababawasan ang isipin ko at nararamdaman ko. Kahit saglit nakakatakas ako.


Pero paano pag balik ko? Nakatakas nga ako saglit..pero kung anong naiwan ko ay yun pa rin naman ang babalikan ko.


“Stop overthinking, Candid.” muli na s'yang bumalik sa pagkakaupo.


“Yes, Pa.” I mocked.

Sabay naman kaming napatawa bahagya at sabay ring tumingin sa kalawakan ng dagat na nasa harapan namin.


“You can stay in your unit as long as you want. Kung kasama yung kakambal mo, pwede rin namang pagusapan.”



ELITESWhere stories live. Discover now