Sixty Seven

1.1K 59 41
                                    


An: Habang patuloy na may nagcocomment, message at post sa profile ko, babalik at babalik ako para mag- update. :)  

••••
#ElitesJudgment



“This is the first time in the history of HFA that we will be having this kind of huge meeting in front of whole student body. Also the first time someone tried to ruin the good image of our beloved Academy.” panimula n'ya ng saglit na sumulyap sa’kin.


Ramdam ko na sa bawat sulyap sa'kin ni Mrs. Flatona ay ano mang oras, handa handa na n'ya akong sipain palabas ng HFA.

Pero hindi ko yun pinagtuunan ng pansin. Nanatili lang ang atensyon ko at tingin sa isang direksyon. Sa dereksyon kung saan walang mga galit at inis na matang sasalubong sa’kin.


Sa dami ng pinagdaanan ko, nakahanda na ako sa unang beses ko ulit na pagtapak dito nung unang araw na bumalik ako.

“Sa dami ng nagawa n'ya sa paaralang ito, sa tingin nyo ba ay karapat dapat pa syang manatili rito?” malakas na tanong n'ya sa lahat gamit ang hawak na mikropono.


“Boooo!”


“Palayasin na yang war freak na yan!”


“Ang dapat sa kanya makulong!”


“Tama! Dapat sa bilangguan ang deretso n'ya sa dami ng hindi magandang ginawa n'ya samin!”


Sari sari ang reaksyon ng mga schoolmates ko. Sa halos sabay sabay nilang pagsisigawan at pagsasalita ay hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng iba. Pero isa lang ang maliwanag sa’kin ngayon, lahat sila sagad sa buto ang pagkamuhi sa’kin. Hindi ko sila masisisi. May karapatan silang magalit. May karapatan silang paalisin ako rito at huwag ng pabalikin kahit kailan.


Tinanggap ko na..at handa ako.


“Ilan sa estudyante ng HFA ang ninakawan mo at nagawa mo pa silang i-blackmail dahil sa mga sensitibong sekretong nakatago sa kanikanilang gadget na ninakaw mo. Ilang beses kang nagreport sa mga police  ukol sa iba't ibang pribadong activities na ginagawa nila sa labas ng Academy. Bukod pa doon, maraming property ng HFA ang sinira mo. Maraming gamit ng mga estudyante rito ang sinira mo ng walang pakundangan. Nagpakalat ka ng paninirang puri tungkol sa HFA sa kahit saang uri ng social media. Iba ibang paraan ang ginamit mo para unti unting bumaba ang kribilidad ng Academy sa pangkalahatang antas at naging dahilan ng pagbaback out ng maraming investor at stock holders ng HFA.” mahabang litanya n'ya habang dahan dahang naglalakad sa harapan ko at kapwa kami nakaharap sa lahat estudyante rito sa HFA.


“Hindi ako makapaniwala na sa mura mong edad, nagawa mo na ang mga bagay na yun. Sa ganito mo ba talaga ginagamit ang talino mo Ms. Rosales?” mapanuya n'yang tanong ng lingunin ako saka muling humakbang pabalik sa harapan ko.


Hindi ako gumawa ng kahit anong reaksyon o sulyap man lang. Nanatili lang deretso ang mga mata ko sa kung saan.


ELITESOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz