Thirty Nine

2.4K 102 49
                                    

Always check the last chapter. Baka po nalalagpasan nyo. Salamat! :)

Ako Lang Dapat





Nangunguna at nakakabingi ang ginagawang pagpalakpak ni Ellie simula sa una hanggang sa huling kanta ko ngayong gabi. Ako na lang ang nahihiya sa ginagawa nya kaya ng matapos ko ang huling kanta ay agad ko syang tinawag para magpunta sa back stage.

“Grabe, pati dito Bes ang dami mong taga hanga!” masiglang bulalas nya. “Kung noon mo pa sa’kin sunabi na nagtatrabaho ka rito, eh di sana pinapanuod kita lagi tuwing gig mo.”


“Ayan na nga yang eyebags mo oh. Halatang hindi ka talaga nagpupuyat.” puna ko sa mata nya.

“Sus, para sa Bes ko, wala dapat reklamo. Alam mo namang suportado ako sa lahat ng ginagawa mo. Maliban na lang talaga sa mga ginagawa mong makakapagpahamak sa’yo.”

Saglit akong natigilan sa sinabi nya at naalala ang sinabi sa’kin ni Blaze nung nasa mansyon kami ng mga Hyun.


“Uwi na ba tayo? Excited na talaga ko! Buti pinayagan ka ni Kurt na sa'min magsleep over!” may patalon talon pang sabi ni Ellie habang hawak ang braso ko. Para talaga syang bata madalas.


Pasado alas tres na kasi ng madaling araw. Kaya lang pinayagan itong si Ellie ng Mommy nya kasi sinabi nyang bitbit nya ako pauwi sa kanila bilang patunay na ako talaga ang kasama nya.

“Candid! Ellie! Emergency lang. Baka pwede nyo akong samahang puntahan si Bad.” patakbong lumapit sa amin si Axle na humahangos pa.

Walang tanong tanong kung bakit. Ang tanging naging reaksyon na lang namin ni Ellie ay magkatinginan at magusap sa pamamagitan nun.

Hindi ko alam kung bakit tahimik lang kami sa kotse ni Axle habang patungo sa bar na sinasabi nito.

Sinuway ko kasi si Ellie na huwag na nyang subukan pang tanungin kay Axle kung anong klaseng emergency ba ang dadatnan namin doon. Kung anong ginagawa nya doon o kung anong nangyare.

Isa ito sa attitude kong kailangang maintindihan ni Ellie.

Sa mga ganitong pagkakataon at pangyayare, ayaw na ayaw ko ng pakiramdam na nagpapanic ako o ang mga taong kasama ko. Ayaw ko agad malaman kung ano ang dadatnan ko. Mas mabuti na yung makita na lang mismo ng mga mata ko kung bakit nga ba natawag ito na emergency.

Napangalumbaba na lang tuloy ako sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan ang dinaraanan namin.

Nagiisip. Nagtataka.


Kailangan bang included si Blaze sa inaakto kong ito? Eh ano naman kung malaman ko kaagad kung ano ang nangyayare sa kanya? As if namang magpapanic ako kapag nagaagaw buhay nga talaga s’ya.


Mabilis kaming nakarating sa nasabing lugar. Hindi sana kami papapasukin dahil wala pa kami sa tamang edad pero pinilit ni Axle na susunduin lang namin ang kaibigan namin sa loob. Kaya hindi nagtagal pinayagan na rin kami sa kundisyong sasamahan nila kami pagsundo kay Blaze.

ELITESWhere stories live. Discover now