Forty Nine

2.1K 77 14
                                    


'Inagaw nila ang kalayaan at mura pa naming kamalayan sa mundo. Unti unti nila kaming pinapaniwala sa pagpapamulat na ang tanging batayan para mabuhay ay ang palitan lamang ng dugo sa dugo.'

•••
#ElitesApoy


Iba iba ang oras at panahon kung kailan mahahanap ng tao ang kanyang hangganan. Pero sadyang may mga tao na hindi takot takbuhin ang dulo ng kanyang katapusan. Talagang hinahangaan ko ang ganoong klase ng mga tao kagaya ni Papa. Pwede naman kasing ibang propesyon ang pinili n'ya, pero mas pinili pa rin nya ang ganung uri trabaho para maging isang magiting na sundalo na handang ipaglaban ang bayan n'ya.

Noong bata pa lang ako, mahilig manood si Papa ng mga action movies kapag inuuwian n'ya kami at bakasyon sya sa pagiging sundalo. Mulat ako sa itsura ng baril at kung ano ang kalakaran ng trabaho ni Papa dahil pinilit kong intindihin kung bakit ganoong trabaho ang pinili n'ya. Kaya nahilig na rin akong manuod ng mga action movies lalo na kung may kinalaman sa grupo ng mga sundalo o polisya. Sa murang kaisipan, hindi ko talaga maiwasang isipin at katakutan ng malaman kong mapanganib ang trabaho n'ya. Bilang malapit kay Papa, ayaw na ayaw ko makarinig ng saling 'patay o kamatayan.' Dahil alam kong kaakibat noon ang trabahong pinili n'ya.


Pero ngayon nauunawaan ko na ng husto. Noong mga panahon na yun, minsan natatawa na lang ako sa ibang action movies na napapanood ko. Masyado kasing kritikal ang mga kwento. Masyadong mga baliw at minsan mababaw ang rason ng mga kontra bida para manakit at pumatay sila ng maraming tao.


Natatawa ako kasi iniisip kong sa kwento lang yun nag-eexist. Na hindi yun totoo. Walang mga taong ganun ka-demonyo. Sa kwento at pelikula lang mayroong mga klase ng tao na kakaiba ang lakas para makipaglaban. Mga taong sa murang edad pa lamang ay nagawa ng humawak ng kutsilyo at kumalabit ng gatilyo ng baril imbis na laruan ang kapitan. Mga grupo grupong magkakalaban at walang dahilan kung bakit nagsasakitan. Labanan ng mga bandido at ang pamahalaan. Pero ng sandaling bawiin sa gitna ng ulanan ang buhay ng Papa koat nang sandaling makatapak at makita ko ang impyernong lugar ng Riffles, nabago bigla ang pagtingin ko sa mga ganoong bagay. Nalaman kong hindi pala imposible ang mga bagay na pinaniwalaan kong sa pelikula ko lang napapanood. Nangyayari pala ang mga iyon sa totoong buhay.


Akala ko biro lang ang pagsasanay na ginagawa sa amin noon ni Papa. Akala ko para mututunan lang naming ipaglaban ang aming sarili sa mga taong magtatangka sa amin ng masama. Yun bang para makalakad kami ng tiwasay sa isang kalye na hindi nagaalala kung may taong bigla bigla sa'ming may manakit.

Pero hindi ko alam na ganitong klase palang laban ang nakaabang sa'min dahilan kaya hinubog n'ya kami ng husto. Wala akong kamalay malay na imbes na cartoon o anime series ang ipanood n'ya sa'min ay puro action movies na ang ipinapanood n'ya sa'min. Mga palabas na mapapaisip kang hindi makatotohanan dahil sa masisidhing eksena at kapusukan sa pagsuong sa kamatayan. Imbes na matinding paggabay na huwag kaming imulat sa ganoong mundo ay ibang paggabay ang iginawad n'ya saming dalawa ni Kurt. Paggabay kung saan imunulat n'ya ang mata namin hindi para gumawa ng karahasan kung hindi para mabuhay ng matagal at may laban sa gitna ng gyera. Ngayon ko lubos nauunawaan ang dahilan ni Papa sa labis na pagpapahirap noon sa amin ni Kurt sa training na inilihim n'ya kay Mama.


Sa totoo lang gusto kong magalit noong nga panahon na yun kay Papa. Kasi sino bang ama ang nasa matinong pagiisip para turuan kung paano makasakit ng iba ang mga anak n'ya? Pero hindi nagtagal ay naunawaan ko na rin kung ano talaga ang motibo n'ya. Isa lamang s'yang mapagmahal na ama at mapagmahal sa bayan nya. Sa sobrang pagmamahal n'ya sa bayan at pagiging tapat sa trabaho n'ya, ginamit ang pagmamahal na yun bilang isang bala na tatagos sa kanyang katawan upang tapusin ang buhay n'ya. At ngayon ko mas lalong napagisip isip kung bakit ngiti lang ang nagiging sagot n'ya sa twing makulit na nagtatanong si Kurt noon kung mayroon ba kaming dapat paghandaan pagdating ng araw. Sa tingin ko ito na ang panahon na yun. Panahon kung kailan kaming dalawa na lang ng magkakampi ni Kurt sa ganitong uri ng laban. Panahong pinaghandaan rin n'ya dahil alam n'yang hindi n'ya na aabutin pa.

ELITESWhere stories live. Discover now