Twenty Five

2.8K 97 41
                                    


Señorita

Hindi ko alam kung bakit panakanaka akong napapahawak sa dibdib ko.

Nagtataka ako sa sarili ko.
Naiinis ako sa sarili ko.

“Bes, may naghahanap na naman sa’yo.” bulong sa’kin ni Ellie.

Hindi ko sya pinansin.

Naiinis na tuloy lalo ako.

Ano bang nakain ng karamihan sa mga taga HFA at wala silang ibang maisip na gawin kung hindi ang pestehin ang araw ko?

“Wala akong paki El. Pagod ako.” nababagot na sagot ko sa kanya at sumubsob na lang ako sa desk namin.

Nakarinig ako ng ilang impit na tilian at bulungan. Pero mukhang hindi naman nanggagaling dito sa loob ng room, mukhang mula sa labas.

“Bilis na, labasin mo na kasi! Ako na mismo ang nagsasabi sa’yo, na oras na hindi mo labasin ang may pakay sa’yo, marami talaga ang bubugbog sa’yo hindi lang dito sa HFA, kahit sa labas pa kung san ka man magpunta.”

Padabog akong lumingon kay Ellie at sinamaan sya ng tingin. Kita na kasing nagpapahinga yung tao.

But she just shooked her head at tila may tinuturo na tignan ko. At nang tignan ko ang tinuturo nya, napakunot na lang ang noo ko ng makita ang mga estudyenteng nasa labas ng room namin habang may hawak hawak na camera at mga cellphone. Mga nakatututok sa isang lalaking may kulay abo na buhok habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng room namin.

 Mga nakatututok sa isang lalaking may kulay abo na buhok habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng room namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At ang lalaking yun, talagang nagaabang sa pinto. Sa akin lang naman sya nakatingin. Nang mapansin nyang tinitignan ko na sya, agad naman itong ngumiti.

“E? Sino yan?” wala sa sarili kong tanong.

Pamilyar sya sa'kin pero hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko hindi ko sya kilala.

“Si Josh yan ng HF19. Ikaw ang ipinunta dito kaya huwag ka ng maginarte.” may nagsalita mula sa kaliwa ko, si Kate. Isa sa mga kasamahan ko sa music club.

Hindi naman masungit ang pagkakasabi nya pero hindi ko yun nagustuhan. Wala sa bokabolaryo ko ang maginarte. Sadyang ganito lang ang ugali ko na hindi dapat kwestyunin ng kahit na sino lalo kung hindi ko naman kaclose.

“Labasin mo na lang Candid, nagkakagulo na sa labas.” at may isa pang nagsalita mula sa tabi ni Ellie, si Sham.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon