Fourteen

3K 121 13
                                    


EDITED VERSION

°°°
#ElitesBurst




Pamilyar na kwarto ang unang bumungad pagmulat na pagmulat pa lang ng mga mata ko.





Hindi ko ito kwarto. Tanda ko naman kung sino ang kasama ko bago ako mawalan ng malay. Minsan ko na ring nilinisan ang kwartong ito kaya alam ko kung sino ang nagmamayari.




Kahit masakit pa ang ulo, pinilit ko pa ring ipilig ang ulo ko para tignan ang picture frame na nakapatong sa side table.




That girl.




How I wish na tutuparin mo ang pangako mo sa Kingkong na yun na babalikan mo sya. Siguraduhin mo lang na worth it ang pagbabalik mo sa mga parusang natatanggap ko kay Blaze dahil lang sa lintek na kotseng niregalo mo.





Napabaling bigla ang atensyon ko sa pintuang nagbukas. Hindi na ako nagulat ng si Blaze ang iniluwa nito.





This is his room by the way.




May dala syang tray na naglalaman ng baso na may tubig at mukhang may pagkain din. Inilapag nya ito sa side table saka s'ya mupo sa couch.





Seryoso at tahimik lang ito na nakaupo habang mainam na pinagmamasdan ako. Nakadekwatro pa sya sa pagkakaupo habang magkakrus ang mga braso sa kanyang dibdib.





“Kumain ka na muna bago uminom ng gamot. Hindi na muna tayo tuloy bukas. Magpahinga ka na lang muna.”



Parang gusto ko magpamisa bigla,ah? Ito ang kaunaunahang pagkakataon na nagusap sya sa’kin ng hindi naiinis o nagagalit. Yung parang casual lang.





“B-Bakit hindi mo na lang ako sa unit ko dinala?” kahit ubod ng sakit ng ulo ko, pinilit kong umupo ng ayos.





Hindi lang ata ako nilalagnat ngayon, mukhang tinatrangkaso pa ata ako. Ang sama sama ng pakiramdam ko. Nanghihina akong kumilos.





Masyado ka naman atang sineswerte kung President pa ang magbubuhat sa’yo.” Napabusangot ako.




Hindi ba talaga mawawala sa kanya yung kayabangan nya? As in kahit ngayon lang sana? Kasi wala ako sa mood ngayon mainis sa kanya eh.






Pwede ka ng umalis.” Banggit ko na lang.




Ayaw ko namang kumain at uminom ng gamot ng kaharap sya. Sa Cafeteria nga pahirapan ako eh, tapos ngayon pa kayang ganito sya kung makatingin ngayon? Hindi ko malaman kung minomonitor nya pati kilos ko dito sa loob ng kwarto nya.




“Are you asking me to leave my own room?” tila naiinis at hindi makapaniwala nitong tanong.





Nagbago na ang isip ko. Wala na akong balak magpamisa.





ELITESWhere stories live. Discover now