Twenty Eight

2.4K 90 15
                                    

Guess

“Hi CA!” masiglang bungad sa akin ni Axle habang naglalakad papalapit sa’kin.

“Anong kailangan mo?” I asked him, habang kinukuha ang ilang gamit ko sa locker, nakalimutan ko palang gawin ang assignment namin kagabi.

“Tara sa HM mamaya.” he is referring to HFA Mall.

“Anong gagawin ko don?”

“Kakain.” masiglang tugon nito habang ang laki ng pagkakangiti. Pinanliitan ko sya ng mata.

Is he asking me for a date?

“Busog ako.” tinatamad na tugon ko.

“KJ mo na ngayon CA. Ganyan ka ba talaga magtrato ng ex?agad ko syang tinignan at makahulugan ngunit nailang lang syang ngumiti.

Naalala ko na naman tuloy si Zayn.

Pero—ex na rin ba talaga ang tawag ko dito kay Axle? Hindi ba parang hindi naman talaga naging kami? Uhm..ano nga bang nagkaroon sa amin?

“Naging kayo?” agad kaming napalingon sa pinanggalingan na malamig na tinig na yoon.

Muli kaming nagkatinginan ni Axle at hindi namin mawari kung anong isasagot namin sa kanya.

Ilang segundo lang syang nakatitig sa amin ni Axle na tila walang expression ang kanyang mukha. Hanggang sa mabagal syang naglakad papalapit sa’min habang sa akin lang nakatingin.

Bago nya tuluyang hawiin ang espasyo sa pagitan namin ni Axle, saglit nya lang akong sinulyapan ng may malamig na tingin. Aaminin ko, nakaramdam ako ng chills kahit papaano sa kung paano nya ako tinignan ng ganun.

“Problema nun?” napatanong na lang ni Axle ng makalayo na sa amin si Blaze. Nagkibit balikat lang ako.

Inaantay na lang namin ngayon ang susunod na teacher para sa next subject. Kakatapos lang namin sa last subject kung saan nabugbog ng husto ang utak namin sa solving problems sa Math. Saglit tuloy akong napatingin sa labas ng bintana. How I wish I can solve my problem too, nang ganun kadali.

Bigla kong nahagip ang pwesto ng mga Elites. Kahit nakatalikod silang lahat mula sa amin, kitang kita ko kung paano sila masayang naguusap maliban sa isa sa kanila. Ang hari nila. Tahimik lang ito habang sa desk lang nya nakatingin.

Hindi nga pala pinaalam ni Axle ang naging usapan namin kaya siguro ganun ang reaksyon nya kanina. Pinaalam nga pala ni Axle na nililigawan nya pa lang ako. Pero bahala sya kung magagalit na naman sya. Natapos na ang kung ano mang usapan namin ni Axle , wala na akong paki kung magagalit man sya na hindi ko tinupad ang isa sa inutos nya.

“Bes, nabalitaan mo na ba?” biglang nagsalita si Ellie habang busy sa pagkalikot ng cellphone nya.

“Wala akong time manood ng TV." it sounds lame pero ganun ako magbiro, papilosopo. Kaso mukhang wala sya sa mood magreact sa sinabi ko.

“Kotse naman ngayon ni Yuri ang pinuntirya. Iniwan nya kasi kagabi sa parking lot  yung kotse nya at kayla Janna muna sumakay kasi nagsleep over sila kayla Janna. Kaninang umaga lang nakita ni Yuri kung anong nangyare sa kotse nya. Punong puno daw ng pulang spray paint ang kotse nya na parang ginawang doodle art and guess what, may nakasulat pa doong ‘slut.’  Hindi ba last time, yung kay Blaze ang ginanun? At may sinulat din sa kotse nya.”

ELITESWhere stories live. Discover now