Eighty One

1.3K 60 42
                                    

#ElitesMisterKo

••••

“Birthday ko na bukas. Baka mawala ka pa Candy crush ha? Magtatampo talaga ‘ko.” Nakangusong banggit ni Winter habang sabay kaming naglalakad. Enjoy na enjoy pa n'yang nilalantakan ang ice cream na ibinili ko sa kanya. “Sapat na sa‘king regalo ‘to. Huwag ka na magabalang bumili bukas. Ako na lang ang magreregalo sa'yo.”


Para s'yang batang ngumisi sa'kin ng lingunin ko s'ya.


“Sinong nagsabing may pambili ako ng regalo?” Biro ko pero sineryosohan ko ang tono para magmukhang makatotohanan.

“Kaya nga ako na ang magreregalo hindi ba? Ako na ang handang magadjust para sa'yo. Ang advance ko na nga hindi ba? Huwag mo na sa'king ipamukha.” Humaba ang nguso nito sabay kunot ng kanyang noo na parang batang biglang nagtampo. Hindi ko tuloy natagalan ang pagkukunwaring seryoso at malakas na lang akong natawa sa kanya. “Oh, tuwang tuwa ka? Makakatipid ka? Grabe naman kakuriputan mo candy crush ha. Baka kapag ako namatay, manghinayang ka ring magabuloy kahit pangkape man lang.”


Tumigil ako sa pagtawa at seryoso s'yang tinignan. Natigilan s'ya dahil doon.


“Pwede mong gawing biro ang ibang bagay, maliban na lang ang tungkol dyan.”


Nagpatuloy ako sa paglakad at halos patakbo n'ya agad akong sinundan dahil sa laki at bilis ng hakbang ko.


“Hala. Candy crush naman. Okay lang naman sa'kin kahit wala kang regalo. Dapat nga ako pa ang nagagalit o nagtatampo. Bakit parang baliktad pa ata? Dapat ba ikaw na lang din ipag-party ko? Sabihin mo lang, willing naman ako eh. Kahit nga pati nga regalo nila, sa'yo ko na lang din ibibigay.”

Tumigil ako sa paglakad at muli s'yang hinarap. Napanguso na lang ako ng wala sa oras. Ang cute kasi nitong si Winter. Paano ka ba makakatagal na magkunwaring nagagalit kung ganito s'ya ka-bubbly? Ang hirap hirap mainis sa kanya. Ikaw talaga yung hindi tatagal.


“Talaga? Ganun ako kaimportante sa'yo?” taas ang kilay kong tanong sa kanya na mabilis n'yang tinanguan ng walang pagaalinlangan.


Natigilan ako saglit at matagal na napatitig sa kanyang mukha. Mukhang seryoso s'ya sa sagot n'ya kahit pabiro ko lang naman ding tanong yun.



“Pakiramdam ko kasi nagkaroon ako ng instant ate dahil sa'yo. Narealize ko na mas okay pa lang maging ate ka kaysa maging crush ko. Baka kasi mabugbog nila ako ng wala sa oras kapag humanay pa ako sa mga lalaking humahanga sa'yo. Mas mabuti sigurong Ate na lang ang turing ko sa'yo. At least safe na ako, mas lamang pa ako sa kanila kasi mas close tayo.” Lumapad ang ngisi ni Winter saka inalok sa'kin ang pinakadulo ng cone na natitira sa kinain n'yang ice cream.


Tila humihingi ng permiso ang tipo ng pagkakangiti at tingin n'ya sa'kin.

ELITESWhere stories live. Discover now