Twenty Three

2.5K 109 40
                                    


-

All this time, all I did was obey his rules na sa aming dalawa lang nageexist. And all he did? Pestehin ang buhay ko.


At first, nasa isip kong kaya nya lang yun ginagawa dahil may mga linabag ako sa school regulation. Baka masyado ko syang nainis dahil simula ng mag-exist ako sa paligid nya, puro sakit na ng ulo ang napala nya. Pero recently kasi, pati personal na buhay ko pinakikialaman na nya. So I must say, hindi lang ng dahil sa mga paglabag ko kuno ang mga pinapagawa nya sa'kin. It's much deeper for him pero ganoon naman kababaw para sa'kin. All he wanted to do is to use me and tricked me with all his shits.


"Tayo? Bakit may 'tayo? Hindi ka pa ba nakuntento?" I manage to speak sarcastically to him.

Nanatili lang sya sa harapan ko. Feel na feel ang pagkakatayo habang nasa bulsa ang kanyang mga kamay. Seryoso at mataman lang syang nakatingin sa'kin. Parang walang balak magsalita.

"Nangangalahati ka na. Gusto mo bang ako na lang ang magkwento ng hindi ka na mahirapan?" I raised my one eyebrow, giving him a sharp glare.

Pinilit kong tumayo at huwag ipahalata na nanginginig ang mga tuhod ko. Nanghihina ako hindi dahil sa takot. Hindi ako natatakot sa kanya o doon sa lalaking yun na nagpahiya sa akin kanina. Kung hindi dahil parang napapagod na ako. Nakakapagod ng tumakbo ng tumakbo palayo. Tumakas ng tumakas kahit alam kong darating tin ang araw na babangungutin muli ako ng nakaraan ko.



"Wala naman akong ginawa sa'yo kaya bakit ka sa'kin nagagalit?" anong karapatan nyang maging kalmado sa kabila ng galit na pinaparamdam ko sa kanya?

Tinawanan ko lang ang sinabi nya nang hindi sya tinitignan. Parang yun ang pinakanakakatawang bagay na narinig ko sa buong buhay ko.



"Talaga ba? Wala kang ginawa?" I paused and smile bitterly. "Sabagay, oo nga naman. Wala ka naman talagang ginawa. Hinayaan mo lang naman ang mga kaibigan mong ipahiya at maliitin ako ng harap harapan." It sounds bitter, pero yun ang totoo.

"Ipinahiya mo ang sarili mo. Pwede ka namang tumakbo pagkakita mo pa lang kay Lex ah? Pero ano bang ginawa mo? Hinantay mo pang ipahiya ka nung tao." May bahid na ng inis ang boses nya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga mata ko.



Umigting ang mga panga ko sa sinabi n'ya.

Ako pa talaga ang sinisi nya matapos ng mga nasaksihan nya kanina. Wow. Saan kaya talaga kumukuha ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha ang lalaking 'to?


Nakakagago talaga. Sobra. Kumukulo ang dugo ko sa pagmumukha nya.



"Pero ikaw itong kasama. Ikaw itong nagpapunta sa'kin doon di'ba? Dapat man lang may ginawa ka! "I totally burst out my anger..and pain.

ELITESWhere stories live. Discover now