Seventy Seven

1.4K 55 19
                                    


An : Please do support rin po ng Let Me Sleep, Jenson. Try nyo lang basahin :) Isang chapter pa lang pero kung hindi n'yo bet, okay lang po kahit hindi nyo na abangan ang nexr update. :D Thank you! <3

#ElitesCOUS (COUS means Continuation Of Untold Story) If ever may magpopost ulit, kindly use this hashtag para makita ko po agad if may magpopost (man). :) Well, nagaassume lang po. Haha.

°°°°

#ElitesRain



Maingay ang classroom ng pumasok ako. Akala ko isang tipikal na ingay lang pero nagkamali ako ng makita ko kung ano ang dahilan ng pagiingay nila.

“Masyado ka pala talagang isip bata ano, Winter? Gusto mo bang ibalik ka na namin sa elementary?” tatawa tawang sabi ni Gary kay Winter habang hawak nito ang isang robot na laruan.

“Gusto mo bang maglaro? Ipapakilala kita sa grade school na kapatid ko. Mukhang magkakasundo kayo." Hagalpak na tumawa pa si Mark na isa rin sa mga kaklase kong nakapalibot sa upuan ni Winter. Bale tatlo sila roon na magkakasamang nakapalibot kay Winter.

Nagiba tuloy ang timpla ng mood ko bago ko ilagay ang bag ko sa upuan ko. Iilan pa lamang ang narito sa loob kaya ang iba naming kaklase ay nakikitawa sa ginagawang pangtitrip nila Gary kay Winter.


“Ibigay mo nga sa'kin yan Gary! Baka masira mo yan.” Nakanguso ng sabi ni Winter habang pilit inaagaw kay Gary ang robot na hawak nito.


Tila wala namang pakialam sila Gary dahil tawa lang sila ng tawa habang itinataas n'ya ang hawak para hindi maabot iyon ni Winter. Mas hamak kasi na matangkad ito kumpara kay Winter.


“Ano? Iiyak ka na? Iyak ka muna.” Isang mapanuyang tawa muli ang pinakawalan nila Gary at Mark kasabay ang isang lalaki pa naming kaklase na hindi ko tanda ang pangalan.

“Ano ba Gary, ibalik mo na nga sa'kin yan. Wala ka namang gagawin dyan.” Parang batang sabi pa muli ni Winter pero kakikinggan mo na ng pagseseryoso at pagkainis sa kausap.

“Iyak ka muna. Ibibigay ko ulit ang laruan mo kapag umiyak ka.” Mapangasar ulit silang nagtawanan habang walang magawa si Winter kung hindi ang samaan sila ng tingin at tumayo sa harapan nila na parang wala itong magagawa.

“Hay nako Gary, baka magsumbong yang si Winter sa Daddy n'ya. Don't even dare to make him cry.”

Sarkastika na tila nangaasar ding sumingit sa usapan si Harriet na prenteng nakaupo sa kanyang upuan habang sinisipat at tinitignan ang mga kuko n'yang mahahaba at kulay pula. Nagtawanan ulit ang iba naming kaklase dahil sa sinabi n'ya. Mukhang tuwang tuwa silang pagkatuwaan si Winter.




Inilibot ko ang paningin ko sa buong room. Wala pa ang ibang Elites. Kapag talaga wala sa paligid sila Gunner at Rage, nagagawa nilang asarin ng ganito si Winter. Pero sa pagkakataong ito, mukhang ako ang hindi magpapalagpas sa ginagawa nila.



Walang ano ano akong naglakad papalapit sa kanila. Biglang nanahimik ang mga kaklase ko lalo na ang grupo nila Gary ng tuluyan na akong makalapit at tumayo sa harapan nila. Sabay sabay silang tumingin sa'kin. Walang emosyon ko lang na tinignan si Gary sa mata n'ya at saka ako sumulyap kay Winter.


ELITESDove le storie prendono vita. Scoprilo ora