Fifteen

3.3K 141 24
                                    

EDITED VERSION

°°°°°

#Elites






Sobrang sorry talaga Bes. Kung alam ko lang na mangyayari yun sa'yo, sana hindi na ako sumama sa out of town activity ng Elites at Student Councils.” paulit ulit na paghingi ng tawad ni Ellie. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses n'ya.




I'm so lucky to have her. Kahit magisa lang talaga sya na matatawag kong kaibigan. Yun nga lang, s'ya ang hindi pinalad sa'kin.




“Ano ka ba, kanina ka pa paulit ulit. Ayos lang ako. Panatag na ako ngayon kasi wala na ulit sa’king manggugulo.” I said while dipping my fries on it's sauce.




Currently location, Cafeteria.



“Hindi yun ayos Bes!” nagaalala pa rin nyang sabi na medyo may pagtaas na ng boses. “Tao ka lang. Lahat ng tao may limitations ang kalakasan. Maybe kinakaya mo pa at kinaya mo yung mga nagawa nila pero paano na lang sa susunod? Kapag wala ako,si Kurt o ang Elites? Paano ka? Hindi mo pa rin ba ipagtatanggol ang sarili mo?” bigla akong umiwas ng tingin kay Ellie.



Bakit naman pati Elites kasali?”


“It's because they are already part of your life now. Itanggi mo man o hindi. Sa ayaw mo man o sa gusto, lagi kang napapadikit sa kanila kahit pilit kang lumalayo. Assistant ka ni Blaze, kaya talagang involve ka na rin sa kanila.”



Pinagpag ko ang daliri dahil sa chee powder na mayroon ang fries na kinakain ko, kahit na kakain pa rin naman ako.



“Pero hindi ko yun gusto Ellie. Alam kong alam mo yan. Hindi ko ginusto ang mapalapit sa kahit na kanino maliban sa inyo ni Kurt dito sa HFA. And being with them is more dangerous. Mas mapapahamak ako kapag may ugnayan ako sa kanila.” mataman ko lang syang tinignan sa mata. I hope that she understands my point here.



“I know that pero hindi mo rin ba naisip na kung magiging okay kayo ng mga Elites lalo ni Blaze, mas mapopretektahan ka nila? Wala ng gugustuhing banggain o kantiin ka kung sakali mang maging malapit ka sa kanila.”



“So I'm going to use them? Him? Is that what you mean?” salubong ang kilay kong nagtanong sa kanya.  



Oo..siguro..” nagaalangan naman nyang sagot. “Pero hindi naman sa paraan na gagamitin nga dahil para maging safe ka sa ibang students dito, kailangan kahit papaano may kapit ka. Ang akin lang, unahin mong ayusin ang relasyon sa mga Elites bago sa mga estudyante rito. Di hamak na mas nakakatakot makabangga ang mga Elites kaysa sa ibang student body.” saglit akong nagisip sa sinabi ni Ellie.




Ilang minuto rin ang itinagal na hindi ako nagsalita at ganun rin naman sya. Kahit papaano, may point s'ya.




ELITESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt