Seventy Eight

1.7K 75 50
                                    

°°°

#ElitesIceCream




Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na ginamit ko ang motorbike ko. Kapag umaalis naman kasi ako, si Blaze lang palagi ang kasama ko at sa kotse n'ya ako sumasakay. Kaya para na itong natambak at hindi nalinisan sa loob ng isang buwan kahit parang isa o dalawang linggo ko itong hindi nagamit. Kay Jonathan ko lang naman ito ipinagkatiwala simula noong mawala ako at mukhang sinunod n'ya ang bilin kong huwag n'ya gagalawin kahit anong mangyari.



Agad kong ipinarada ang motor sa harap ng Cafe na pagkikitaan namin. Hindi ko isinugal na iwan pa ang helmet. Mahirap na, baka manakaw na naman.

Direderetso akong pumasok sa loob habang daladala ko ang helmet. Hindi ako nahirapang hanapin sila sa loob dahil bukod tanging sila lang naman ang lumilikha ng ingay dito sa loob. Habang ang iba namang customer ay tahimik lang na umiinom ng mga kape nila at nagbabasa ng mga magazine na nakalagay sa bawat mesa.


“Oh, nandito na pala ang Prinsesa natin.”


Todo ngisi agad si Christian ng makita ako. Sabay sabay ring lumingon sa gawi ko ang tatlo pa n'yang kasama.

Simangot ang mukha kong naglakad patungo sa table at couch nila.


Sosyal ang mga ‘to. Sa mamahaling  Cafe pa nakipagkita. Sabagay, afford naman kasi nila. Napapaisip lang ako kung bakit hindi na lang sa Cafe nila Blaze gayong mas malapit yun sa school.


“Anong mahalagang kailangan n'yo sa'kin at inabala n'yo pa akong magpunta dito.”


Walang interes kong pagkakasabi ng maupo na ako sa bakanteng upuan katabi si Cedrick. Inilapag ko na rin sa couch ang dala kong helmet.


“Masama ka bang mamiss?” Malokong sagot agad ni Christian sa'kin.

Umikot ang mata ko at bahagyang ngumiwi sa sinabi n'ya.

“Paano n'yo ako mamimiss eh raw araw nyo akong nakikita sa school.”


Parehas kong inilagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng bomber jacket na suot ko. Mainam ko silang sinulyapan isa isa at saka inilapat ang likuran ko sa sandalan ng couch.

Masasabi kong kumportable at kahit papaano maganda ang interior ng Cafe na ito. Pero mas maganda pa rin ang Cafe nila Blaze.


“Araw araw nga, hindi mo naman kami pinapansin.”


Si Rhoan ang nagsalita. Bakas sa boses n'ya ang bitterness sa pagkakasabi. Hindi ko lang s'ya tinignan dahil sa labas ng bintana ng Cafe ko itinuon ang atensyon ko. Ramdam ko ang paninitig nila, pero wala akong panahon para harapin iyon.

Sabi ni Tan mahalaga ang paguusapan namin kaya sila nakipagkita sa akin. Hindi nga sana ako pupunta, mapilit lang s'ya. Wala naman kasing dahilan para makipagkita pa ako. Wala na naman akong ugnayan sa kanila. Saka isa pa, kapag nakikita ko sila..parang hindi lang nagiging maganda ang mood ko. Kahit wala silang kasalanan sa'kin, parang isa ng kasalanan ang presensya nila sa tuwing makikita ko.


ELITESOù les histoires vivent. Découvrez maintenant