Fifty

2.2K 73 7
                                    

"I told you once not to expose it too much. It's unhealthy for a thirsty lips like mine."

••••

#ElitesZesto


Natagpuan ko na lang ang sarili kong pangapat na araw ng bumibisita kay Blaze. Sa unang tatlong araw ay doon pa sa hospital, pero ngayon ang unang araw na magpapahinga s'ya dito sa unit nya matapos n'yang magpa- discharge. Sawa na raw s'ya hospital, tutal hindi naman daw s'ya baldado para magtagal pa don.

Hindi ako obligado. Pero mas pinili kong sundin ang kung ano mang kumakatok sa kunsensya ko.


Hindi naman malala ang natamo n'ya. Wala s'yang bali sa katawan nya, pero medyo seryoso ang mga bugbog na dinanas n'ya. Puro pasa ang buo n'yang katawan lalo sa mukha. Ang sabi ng doctor, kailangan lang n'ya magpahinga pa ng ilang araw bago pumasok. Kailangan din s'ya obserbahan pa kung may naidulot bang trauma sa kanya ang nangyare.


Aminado ako, kinakain ako ng konsensya kaya heto ako at pinagtyatyagaan ang pangaalila at ang pagiba-iba ng mood n'ya mayat maya. Tutal hindi rin naman libre ang ginagawa ko,pumayag na ako sa inaalok n'ya.

Noong araw na may nangyare sa kanya, napuyat ako kaiisip magdamag. Hindi ako pinatahimik ng konsensya ko. Halo halo ng naramdaman ko. Iyon pa lamang kasi ang pinakaunang pagkakataon na may napahamak ng dahil sa kagagawan ko. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Jonathan noong araw na sinundan n'ya ako sa hospital.


"Wala ng saysay kahit layuan mo pa ngayon yang si Dalton. Kung totoo ngang may nagtatangka sa'yo at sa mga taong malalapit sa'yo dahil sa mga ginagawa mo, huli na para iwasan mo pa.Siguro, nakikita nilang si Dalton ang pinakamalapit sa'yo kaya s'ya ang pinuntirya. Oras na iwasan mo pa ang taong yan, mas lalong hindi mo s'ya mapoprotektahan."

"Hindi mo man aminin, halata namang nakokonsensya ka. Kaya panindigan mo na. Basta kung ako sa'yo, huwag ka na lang ulit gumawa ng hakbang na ikakapahamak ng mga taong nasa paligid mo."

Saglit pa akong napatitig ng mga oras na yun kay Jonathan. All this time pinagdududahan ko kung ano ang koneksyon ko sa kanya. Kung bakit kailangang sumunod s'ya sa'kin madalas at kung bakit kailangan pa n'yang malaman ang tungkol sa mga ginagawa ko. Kung totoong isa s'ya sa mga pumpoprotekta sa'kin, malamang sa malamang ay isa rin s'ya sa mga taong sinasabi n'yang maaari ring mapahamak sa mga kapusukang ginagawa ko.


Pero malaki pa ring palaisipan sa'kin kung ano at saan talaga ang panig n'ya. Medyo nakakalito ang mga kinikilos at sinasabi n'ya. May mga oras na masyadong misleading. May times na taliwas ang kinikilos n'ya sa mga sinasabi n'ya.


"Alam mong hindi ka nila magagalaw, kaya mga taong malapit sa'yo ang gagalawin nila."

"Pero may nagtangka na rin sa'kin sa HFA." komento ko naman sa sinabi n'ya.

"Sa mundo natin, hindi natin alam kung sino-sino ang tunay na kaaway."

"Eh ikaw ba Tan, kaibigan ka ba o kalaban?"

Tinignan n'ya ako saka malokong ngumiti.

ELITESWhere stories live. Discover now