Ninety Seven

1K 35 13
                                    

°°°
#ElitesCruelBlood




“What have you done?” walang emosyon na tanong ni Blaze habang nakatitig sa'kin.




Saglit na dumaan ang palihim na ngisi ni Lacey bago muling tignan ako ng may dismaya at inis. Hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap kay Blaze.




Sasagot pa lang sana ako ng unahan ako agad ni Lacey.





Sinakal n'ya ko, Babe. She intentionally hurt me. Wala s'yang balak na pakawalan ako kanina. Buti na lang dumating ka dahil kung hindi, baka napatay n'ya na 'ko.” Pagpapaawang may lambing na sabi ni Lacey sa lalaki bago muling mangiyakngiyak.





Iniwasan ko silang dalawa ng tingin. Hindi ko napigilan ang pagirap sa ere ng gawin yon. Baka kasi hindi ko sila matanstang dalawa. Isa pa, bumibigat lang lalo ang nararamdaman ko sa mga titig ni Blaze. Pakiramdam ko ay nakagawa na agad ako ng malaking kasalanan sa kanya.





“Anong ginawa mo kay Candid?”





Sabay kaming napatingin muli kay Blaze.





Dumistansya ito sa babae at mahinang tinulak palayo sa kanya si Lacey. Gumuhit ang gulat at sakit sa mga mata nito bago ako tignan ng may talim na akala mo ako ang may gawa.





“Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ‘tong sinaktan n'ya Blaze!” she defensively shrieked.



Hindi sumagot si Blaze agad at nanatili lang na nakatingin sa babae. Walang emosyon ang mga mata nito bago ako muling balingan ng tingin.




Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko batid kung ano ang ibig sabihin ng mga titig n'ya. Pero isa lang ang sigurado ako, kung dati ay na kay Lacey ang panig n'ya sa ganitong pagkakataon, ngayon ay mukhang nasa akin na ang simpatya. Hindi pa man ako nagpapaliwanag. Wala pa man akong sinasabi. Nakita man n'ya sa aktong sinasaktan ko ang  babaeng minahal n'ya.



“I trust her. And I know she will never hurt you for nothing.” Blaze proclaimed without loosing his eye contact with me.





Bawat salitang yun ay kakaiba ang naging bagsak sa tainga ko at pati na rin kay Lacey. Magkaiba nga lang kami ng pakiramdam tungkol doon.





Eksaheredang napanganga si Lacey na hindi makapaniwala sa narinig. Sakit ang unang gumuhit at nasundan agad ng galit ng tignan ako. Bakas ang paninisi sa mga titig n'ya. Kulang na lang sakalin n'ya ako sa pamamagitan non.



“Jina-justify mo ang pananakit at pagiging agresibo n'ya just because you trust her? Not because she hurt someone?” she asked in disbelief and with sarcasm chuckled.





Marahas na pinahid ni Lacey ang mga luha. Umiwas naman ng tingin si Blaze sa babae na hindi makasagot sa tanong nito.




“One day, you'll realize that you're just infatuated with her. You just find her interesting and nothing else. O baka nga naaawa ka lang sa ulilang yan.”



“Stop it, Lacey.” mariing saway sa kanya ni Blaze.


I remained silent. Iniisip kung bakit narito si Blaze gayong sinabi n'yang hindi n'ya ako maihahatid dahil may meeting sila.




ELITESWhere stories live. Discover now