Fourty Seven

2.1K 95 26
                                    

"My freedom was stolen, and yet they're still stealing everything." - Candid

-

Kakaunti lamang ang tao na narito sa chapel. Ni isang kamaganak ay wala raw dumadalaw ayon sa naririnig kong mahihinang tsismisan ng mga narito. Iilan ilan lang din ang mga pamilyar na mukha na nakikita ko, siguro mga kaklase n'ya na kapag dumarating ay hindi na bababa sa limang minuto ang pananatili at pagkatapos ay aalis na rin agad. Pero bukod sa mga taong iyon ay may nagiisang lalaking nakaupo sa gilid. Tahimik na umiiyak. Kanina pa ako naghihintay kung mayroon bang tao dito na paguusapan ang lalaking yun para malaman ko kung anong koneksyon n'ya kay Friday. Sa tansta ko, hindi nalalayo ang edad n'ya sa'kin. Pero sigurado akong mas ahead ako sa kanya.

"Kawawang bata ano? Kaya pala hindi ko madalas makita ang batang yan na lumalabas ng bahay pagkauwi galing eskwela."

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Paanong ang napakabait na taong si Mr. Martin ay nagawa yun sa kanyang nagiisang anak. Wala na ngang ina, karumaldumal pa ang sinapit sa ama."

"Sa totoo lang hindi ako kumbinsido nung una. Saksi ako sa relasyon nilang mag-ama. Responsable pa nga si Mr. Martin at lahat ng luho ni Friday, ibinibigay n'ya. Kung hindi lang dahil sa mga ebidensya 'di umano na hawak ng mga police, hindi ako maniniwala."


Ilang matatandang babae ang naguusap usap sa harapan namin. Tingin ko mga kapitbahay nila ito base na rin sa mga sinasabi nila.


"Hindi ka talaga sisilip kahit saglit?" pangalawang tanong na sa akin ni Blaze mula ng dumating kami rito.


Umiling muli ako.


Simula ng namatay ang Papa ko, ayaw na ayaw ko ng sisilip sa loob ng isang kabaong kung saan nakahimlay ang kahit na sino mang pumanaw. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako sisilip sa kahit kaninong kabaong. Kaya ko lang makiramay at pumunta sa ganitong burol, pero ayaw na ayaw kong titingin sa mismong namatay.

Ano pa ang silbi ng pagsilip kung nakapikit na malamig na bangkay lang naman ang bubungad sa'yo? Hindi na yun babangon para magpasalamat sa pagpapakita mo mismo sa kanyang harapan dahil nakapikit na s'ya ng tuluyan, hinding hindi ka na n'ya makikita pwera na lang kung susundan mo s'ya sa kabilang buhay. Paulit ulit lang rerehistro sa utak mo ang mukha at sinapit n'ya kapag aalalahanin mo na ang taong yun.


"Anong ginagawa mo rito?" napatingin ako agad kay Blaze ng magtanong s'ya ng ganun sa bagong dating na tao.

Kahit ako ay bahagyang nasupresa ng makita s'yang narito.


"Ikaw lang ba ang may karapatang makipaglamay?" pabalang na sagot nito sa kanya at naglakad na patungo sa harapan kung saan nakahimlay ang kabaong ni Friday.


Bakas sa mukha ni Blaze ang pagkairita habang nakatingin sa lalaking nakadungaw sa kabaong. Ang iilang narito na rin sa chapel ay nasa kanya na ang atensyon dahil sa agaw pansin n'yang asul na buhok.


Maya maya pa ay may kakaiba akong naramdaman mula sa likuran ko. Masyadong malakas ang pakiramdam ko para hindi yun maramdaman. Agad kong iginala ang paningin ko sa likuran pero wala naman akong nakitang ibang tao kung hindi ang iilan sa mga babaeng hindi nalalayo sa edad ko ang naguusap usap ng mahina. Hindi sila pamilyar sa'kin kaya sigurado akong hindi sila taga HFA.

ELITESWhere stories live. Discover now