Fifty One

2K 85 21
                                    

An: Light chapters ahead. Bago man lang yung mabibigat na mga pangyayare. Salamat po sa mga matyagang nagaantay! :) Btw, this chapter is dedicated to @blackismapeyborit <3 Ang sipag mo po magcomment, nakakatuwa at isa ka sa lalong nagpapainspire sa pagbilis ko ng pag-UD.

°°°

“Kahit nasa malayo ako, nagagawa na akong lunurin ng mga matang ‘to. Ano pa kaya yung makakita lang ng totoo.”
••••

#ElitesFirstLove

Naglalakad pa lang ako sa hallway sa palapag kung nasaan ang room namin ng mamataan ko ang mga kaklase kong nasa labas lang ng classroom. Mga nagiingay habang nagkekwentuhan.

Bakit naman kaya halos lahat ata sila eh dito sa labas nakatambay? Mga nakasandal sa bintana at banister. Umabot pa sila sa harap ng kalapit naming section sa dami nilang narito sa labas.

Habang papalapit pa lamang ako, ang pinakaunang namataan ng mata ko ay si Keia na kasama si Ellie. Binati n'ya agad ako pero kay Ellie lamang ako napatingin. Pero ng tignan n'ya rin ako, doon pa lang ako nagiwas ng tingin saka derederetso lamang silang nilagpasan. Pero bakit nandito ngayon si Keia?

Samantala, agaw pansin naman ang mga lalaki kong kaklase na mga nakahanay at pareparehas nakasandal sa banister habang nakaharap sa classroom. Hindi ko alam kung ako lang ba pero mukha silang mga modelo na iba iba ang tindig at pustura. Unang una sa pinakadulo ay si Abdiel na busy habang nakatutok sa cellphone n'ya. Habang kasunuran naman ay si Rage na seryoso lamang habang may suot na malaking headset sa ulo n'ya. Kalapit n'ya si Gunner na patingintingin lang sa paligid at sa relos n'ya. Nang mapansin n'ya ako ay agad s'yang tumango na hindi ko naman pinansin. Hindi naman kami close. Sadyang nagkataon lang na s'ya ang unang tao na nakakita kay Blaze ng mabugbog ito kaya nakadaupang palad ko s'ya sa hospital. Habang kasunuran naman ay si Kayzon na ng makita ako ay pasimpleng siniko sa tagiliran ang kalapit n'yang si Flent. Iritadong tumingin si Flent rito pero ng makita ako ay bigla lamang lumamig ang expression n'ya habang nakatingin sa'kin. With his signature posture, while his hands are on his both pocket.

Hanggang sa namataan ko naman si Trust,kalapit si Dwayne. Isang matamis na ngiti naman agad ang iginawad ni Dwayne ng makita ako na may pagkaway pa. Hindi ata s'ya nainform na naiilang na akong lumakad sa gitna nila bago makapasok sa room. Lalo na ng kay Axle na mapalipat ang tingin ko. Napalaki ng pagkakangisi na pangkuway may binulong sa lalaking katabi n'ya na magkasalubong na naman ang mga kilay habang magkakrus ang mga braso. Hindi mapagkakailan na sa mga lalaking nakabalandra at nakahanay dito, bukod tnging s'ya ang kaagaw agaw pansin sa tindig at mukha palang nito. Samantala matapos bumulong ni Axle kay Blaze ay parehas silang sabay na tumingin sa'kin. Kung ano man ang binulong ni Axle, sa ngisi pa lang n'ya mukhang alam ko ng kalokohan lang ang tungkol doon.

Papasok na ako ng room ng wala akong ibang taong nakita kung hindi si Winter..at si Haven. Magulo ang mga bangko at hindi nakaayos. Habang may tumpok tumpok na kalat na nasa ibat ibat sulok.

“Candy crush!!” sigaw agad ni Winter ng makita ako.

May hawak hawak s'yang walis tambo at ganoon rin si Haven na napansin na rin ako.

“Candid, bakit ka pumasok? Tutulungan mo rin kami?" malaking pagkakangiti ni Winter sa'kin.

Wala sa sariling napatingin ako sa labas kung nasaan ang mga kaklase namin. Saka muling nagbalik tingin sa dalawa. Si Haven naman ay bahagya ulit napatungo ng tignan ko s'ya.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon