Forty Three

2.3K 90 23
                                    


An: Mauubusan na 'ko ng load. Haha! Update ko yung ibang picture dito (pati yung mga wala pa)sa ibang araw.

-

VIP's

-

Kanina pa pabalikbalik sa kaliwa at kanang sulok dito sa back stage si Ellie. Nahihilo na ako sa ginagawa nyang pagkaaligaga.

"What now? We only have fifteen minutes left. Swerte na lang kapag mas napahaba ang introduction ng mga VIP's na nasa stage." puno ng pagkaaligaga pati boses nya.

Tahimik lang din si Blaze na mukhang nagiisip rin ng paraan kung ano ang gagawin. Kahit ako, walang pumapasok sa isip ko kung ano ba ang pwede naming ipalit o idadagdag sa presentation namin.

Hindi naman namin pwedeng suwayin ang utos ni Mr. Collide Hyun.

Inalam nya kung ano ang ipapakita naming presentation para sa mga espesyal at bigating mga bisita ngayon ng HFA. Nang malaman nya ang piece namin, madiin nya yung tinutulan. Dapat nakaka-entertain daw, hindi yung mapapa-emote at mababagot lang ang manunuod lalo na ang mga VIP's.

Sa totoo lang, medyo nakakapangliit na agad nyang hinusgahan kahit hindi pa naman talaga namin naipapalabas. Pero ano nga bang laban ng hamak na estudyante lamang na kagaya namin sa mayari ng buong HFA at isa sa mga tinitingalang tao sa industriya at larangan ng negosyo.

"Hindi ba, sinabi ni Mr. Hyun na kung hindi naman natin papalitan, pwede nating dagdagan?" I can sense on Blaze mischievous smile that he has something on his mind now.

Nagkatinginan na lang kami saglit ni Ellie. Hindi namin alam kung ano ang pinaplano ni Blaze,pero pinagdarasal ko na kung ano man yun, sana nga magtagumpay at maganda ang kalabasan.

Ultimo mga back up dancer namin ay naaaligaga na rin. Hindi madaling magperform ng on the spot na special number lalo na kung hindi ni-rehearse kahit isang beses lang.

Sa loob lamang ng sampung minuto, tinipon kami ni Blaze sa back stage para pagusapan ang mga magaganap na pagbabago.

Medyo napapailing kaming lahat sa suggestions nya kahit alam naming maganda. Ang tanong at ang problema, kaya ba talagang gawin yun ng on the spot? Baka magkagulogulo lang kami sa stage at mapahiya lang ang buong Music Club sa magagawa namin. At hindi lang pati Music Club, paniguradong kahihiyan rin yun ng buong HFA lalo na sa harap ng mga VIP's na yun.

"Okay, let's give around of applause to Mrs. Kriza Ivaldez Ramuel together with his loving husband Mr. Paul Ramuel." saglit na tumigil ang emcee sa pagsaslita para bigyan ng pagkakataon ang mga magsisipalakpakan."Next to them is Mrs. Amber Abrenica Gamboa with her husband also, Gun Gamboa. Mr. Brix and Mr. Rain Chua, Mr. Denver Genevieve. They are also a part of our prestigious Academy before. Most of you already know them and for those who didn't, let me tell you a little bit history.."

Bahagya kaming nakahinga ng maluwag ng marinig mula sa stage sa harap na magbabaliktanaw ang Emcee ng program.

Wala kaming klase buong first quarter period dahil sa Welcoming Program na ito. Pero pagdating ng hapon ay balik na rin naman ulit sa dati.

Habang busy na magkwento at magusap ang emcee sa mikropono ay sinamantala namin yun para pagusapan ng maigi ang gagawin namin.

ELITESWhere stories live. Discover now