Ten

3.5K 124 57
                                    


EDITED VERSION


••
#ElitesDelicadeza






MAINAM kong pinagmamasdan ang kabuan ng HFA habang naglalakad patungo sa dorm kung saan pansamantala muna akong tutuloy. Bilang assistant daw kasi ng mga Elites, required na dito na rin muna ako magstay. Pero choice ko naman daw yun, pwede akong pumili ng araw kung kailan ako uuwi o magistay dito.





As if namang makapili talaga ako.




Napangiwi na lang nga ako ng marinig yun. Kasi kahit saang anggulo ko tignan at isipin ay bakit kailangan pa? Ano yun, isa na ba talaga akong ganap na katulong para sa kanila at kailangan ko pa ditong manatili para sa kanila? Para pagsilbihan sila? Ang labo. Napakalabo ng logic kung tutuusin. O baka sadyang nagsasayang lang talaga sila ng pera.







Sabagay, katuwaan lang naman sa kanila ang buhay ng mas mababa sa kanila.





Isa pa, assistant lang kasi ang usapan. Hindi naman ako nagtatrabaho bilang katulong nila para maobligang manatili rito sa tinutuluyan nila. Pero kailangan kong sumunod kunwari sa agos ng mga gusto nila. Lalo ni Blaze.





Ang totoo ay wala sa plano ko at lalong ayaw na ayaw kong mapalapit sa kanilang mga Elites. Pero nang  marealize ko ang sitwasyon, doon ako hindi na nagdalawang isip pa. Bakit kailangan kong palampasin ang ganitong klaseng oportunidad? Blessing in disguise, ika nga.




Baka raw next week, dito na rin tutuloy si Kurt dahil magiging required na rin na dito manatili ang mga kabilang sa Student Councils.  Medyo parang hindi pa totoo pakinggan pero iyon ang totoo. Ganyan kayaman ang HFA para i- accommodate lahat ng student council o ELITES para itrato sila na para silang isa sa mga pinaka- importanteng tao kasama ang ibang mga Elites kahit wala itong mga katungkulan sa paaralan.





Kung tutuusin, maswerte kami ni Kurt na dito kami nakapasok. Masyadong malawak. Exclusive at halos lahat ng gamit dito ay high-tech. Advance pa ang mga itinuturo. Napakarami ng bagong tayong istraktura. Hindi mo na gugustuhing lumabas pa dahil halos lahat nga naman ng kailangan at hahanapin mo, narito na. Para itong isang paraiso para sa mga estudyante.




Kung lahat lamang ay ipinanganak ng mayaman, paniguradong lahat ng kabataan sa Pilipinas, dito na nagaral. Pero mapait ang katotohanan na iilan lamang ang maseswerte sa buhay na kayang pumasok sa ganito kapristisyosong paaralan. Kung hindi ka matalino para maging Scholar, malabo kang makapasok sa HFA. Dalawa lang yan eh. Pera at utak.




Pero kahit na siguro bayaran ako sa ng malaking halaga ay hindi ko nanaising bumalik pa dito kung pagbibigyan muli ako ng pangalawang buhay. Siguro nga para sa karamihan ay maswerte ang manatili dito at magaral, pwes hindi naman ako kasali sa 'karamihan.' Doon ako napapabilang sa 'iilan' na mas gugustuhin ang mababang uri ng paaralan, kung saan hindi yaman ang pamantayan at sukatan ng pagtrato.




Pero sino ba ako para magreklamo? Ni minsan ay hindi ko rin naman naranasang itrato ng patas kahit sa mga paaralang napasukan ko.






ELITESWhere stories live. Discover now