Chapter One Hundred One

319 11 7
                                    



An : Pasensya na ang daming typo don sa last chapter. Medyo overwhelmed po ako habang nire- revise pati mga grammar lalong dumami yung mali. 😅



Oo nga pala, malapit na malapit na matapos. Mga 10 chapters or basta hindi na aabot ng 15. Sorry po talaga kung sobrang tagal lagi ng update. Hindi ko masisi yung mga hindi na nagbasa at tumigil na. Kasalanan ko naman. Pero sana makarinig pa ako sa inyong patuloy na bumabasa. Sa inyo na po nakasalalay ang ending. Kasi may 3 versions ako ng ending at undecided pa rin ako. Sa 3 versions na yon, plot twist yun na alam kong walang kahit na sino sa nagbasa mula una ang makakahula. (Siguro?) Hehe. Kata pati tuloy ako, nalilito na sa tagal ko magupdate. Taon ko na sinusulat ang Elites eh. At sa wakas, malapit na talaga matapos.



••••
#ElitesBetweenMaybe's




PALAGI noong tumatakbo sa isip ko na paano ba makaramdam ng labis na pagmamahal para sa ibang tao maliban sa pamilya mo? Para sa isang hindi kadugo o kaibigan? Specifically sa  lalaki o mapapangasawa mo?





Tahimik ko laging pinagmamasdan ang magulang ko noong nakabalik ako sa kanila. Minsan, may mga galaw silang hindi ko maintindihan na sila lang ang nagkakaintindihan. Naguguluhan ako kung bakit sa kabila ng pagtatalo nila at pagaaway sa umaga, kinahapunan maguusap pa rin sila na parang walang nangyari. Na parang hindi nila nasaktan ang isa't isa sa mga palitan ng salita.




Sa mga tahimik kong pagoobserba, tumatak sa isip ko na kung may dadating na lalaking papasok sa buhay ko, sinisigurado ko na maiintindihan ako. Gusto ko yung lagi kaming magkakasundo. Gusto ko yung tatanggapin ako sa kahit na anong ugali ko. Yung kaya akong unawain sa lahat ng pagkakataon. At higit sa lahat, kayang tanggapin kung anong nakaraan at mga pinagdaaanan ko.






Pero iba na pala kapag nandito ka na sa puntong parang gusto mo ng yakapin ang isang tao at pagbuksan ng pinto para papasukin sa buhay mo. Paminsan minsan ay umaatras pa rin ako. Aabante pero biglang uurong. Ganoon ako kay Blaze. Hindi ako sigurado, pero nakahanda na akong sumubok at sumugod.




Sabay tayong mag-lunch mamaya?”


Hindi tayo sabay ng oras.”  sagot ko sa kanya.




Parehas kaming naglalakad papuntang auditorium. Kami lang actually ang nahuhuli dahil ilang hakbang na ang layo ng mga kaklase naming naglalakad papunta rin doon.




Tatakas ako,” naulinigan ko ang pagkapilyo sa boses nya kaya agad ko s'yang tinignan ng masama. “Sorry, gusto lang naman ulit kitang makasabay. Dinner nalang?”





Tumigil ako sa paghakbang at agad s'yang hinarap. Napagaya rin s'ya ng dahil sa ginawa ko. Seryoso ko s'yang tinitigan kaya unti unting nabura ang ngiti sa mga labi n'ya.




Parang ayaw ko na bigla magsalita. Ngayong nakikita ko kung gaano s'ya sana ka-excited na makasama ako pero sa isang iglap ay sisirain ko lang dahil sa paninindigan ko, parang gusto ko nang magbago ng isip.



Kung ngayon pa lang ay hindi ko na s'ya kayang pasayahin, paano pa kaya sa mga susunod na araw o linggo? O di kaya ay buwan? Kung aabot man s'ya doon at kung matatagalan n'ya ako.





Huwag kang gumawa ng mali para lang magawa mo ang pinangako mong obligasyon sa'kin, Dalton. Hindi mo kailangang magpa- impress sa'kin dahil lang sa nililigawan mo ako. seryoso kong saad sa kanya.





ELITESWhere stories live. Discover now