Fourty Four

2.1K 80 3
                                    

(Pambawi. Dalawang chapter po update ko. Check nyo rin kasunod na chapter nito. Salamat sa matyagang  nagaantay.) :)

~
One Shot Lady

~

Kailan mo balak layuan ang mga Elites na yun? And tell me, anong balak mo kay Ellie?” Kurt asked with his monotonous tone.


Busy s'ya sa pagsimsim ng kapeng nasa mug na hawak nya. Actually may halong chocolate kaya hindi talaga purong kape. At sa totoo lang, ito ang pinakaunang bagay na pinagkapareho naming dalawa. Parehas namin ‘tong paborito inumin kapag umaga.


Madali lang naman sa mga Elites na yun. Pero tungkol kay Ellie, susubukan ko paunti unti.” ako naman ang sumimsim ng kape na nasa tasang hawak ko.

Parehas lamang kaming nakatingin sa TV na hindi naman naka-on. Casual na nakaupo sa sofa dito sa sala.

"But I guess it's too late for that.” I added.

Alam kong sinabi ko sa'yo na makipagkaibigan ka sa HFA. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Akala ko noong una, simple at smooth lang ang mangyayare. Pero mukhang hindi pala ganun kadali.” ramdam ko ang pagkabahala sa boses ng kapatid ko. “Layuan mo na muna si Ellie habang hindi pa natin tapos ang dapat nating gawin. Habang maunti pa lang ang naikekwento mo sa kanya.”


Wala naman akong balak ikwento lahat lahat.”  depensa ko.

At wala ka rin naman sigurong balak ipakilala ng buong buo ang sarili mo sa kanilang lahat di'ba?”  nakatingin na sa’king tanong ni Kurt.

Mabilis na akong tumayo at inilagay ang mug sa sink.

Una na ‘ko.”

Kinuha ko ang bag pack ko sa sofa at sinukbit na sa balikat ko. Wala na akong narinig pa mula kay Kurt ng lumabas ako ng pintuan. May sarili naman na akong sasakyan kaya madalas na kaming hindi magsabay sa pagpasok.

Pagkalabas ko pa lamang ng gate namin habang nakasakay sa motorbike ko ay isang magarang kotse na ang bumungad sa’kin. Bago ko pa man pagmasdan at kilalanin kung kanino, bumaba na rin agad ang salamin ng bintana nito.

Hindi na ako nagulat ng makita ang sakay nito na inunang ilibot ang mata sa paligid ng bahay namin kaysa sa pagtingin sa’kin. Gusto ko s’yang tanungin kung bakit s’ya narito at kung bakit nasa Welcome Program din s’ya ng HFA noong isang araw. Pero tingin ko useless din yun. Knowing her, hindi s’ya yung tipo ng babae na nagbibigay ng impormasyon kapag nagtatanong ka. You'll just have to wait for her to open that certain topic.

“Alam mo bang kahit ang tigas ng ulo mo, hindi ako nagsisising ikaw ang pinalit ko sa pwesto ko.” she said flatly while still roaming around her eyes, and finally look at me at the end of her statement.

Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya.


Seriously, she's blocking my way. Sa harapan pa talaga mismo ng gate namin naisipang iparada at itigil ang dilaw na kotse nya.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon