Eighty Five

1.5K 44 11
                                    

Chapter ST : Pano by Zack Tabudlo

••••

[ I already deposited your last paycheck into your account, including your back pay. ]

Bakit kahit binabasa ko lamang ang text na iyon ay parang tono na ng boses n'ya ang naririnig ko? The old cold tone that I knew and used to hear when I first met him.

"You sure Bes na ito lang ang mga gamit na dadalhin mo? Parang ang dami pang natirang damit sa cabinet ah?" Ellie asked while moving my stuffs from the bed to my travelling bag.

"Ito lang ang mga dala ko ng dumating ako dito." I responded without looking at her.

Ipinasok ko na lamang ang cellphone ko sa aking bulsa at muling nagpatuloy sa ginagawa.

Ramdam ko ang parehas ng mga mata ni Ellie na nakatingin sa'kin kung kaya't binalingan ko s'yang muli ng tingin.

Tila may gusto s'yang sabihin sa'kin pero napailing na lang at hindi na s'ya nagsalita pa. Hindi man ako magtanong sa kanya ay alam ko na kung ano ang iniisip n'ya.

Minsan naman pala ay marunong makiramdam 'tong si Ellie.

Tapos ko ng ayusin ang mga gamit ko at ang nasa side table na lang ang tanging natitira. Ilang segundo ko pang tinitigan ang mga yun saka ako nagpasyang damputin.


"Saglit lang ako El." Nakuha n'ya agad ang gusto kong gawin ng makita n'ya ang mga kapit ko.

Nakailang buntong hininga ako habang nasa tapat ako ng pintuan ng unit ni Blaze. Nakatatlong minuto na siguro ako ritong nakatayo at hindi ko pa magawang pindutin ang door bell n'ya.


Muli akong humugot ng malalim na hininga ng iangat ko na ang kamay ko. Napaurong na lamang ako agad ng tumunog ang pintuan sensyales na binuksan n'ya na ito mula sa loob bago ko pa man pindutin.



Akala ko lalabas s'ya kaya medyo umisod ako patabi kung sakali. Pero wala ni anino n'ya ang lumabas. Parang kusa n'ya lang itong binuksan at mukhang wala na rin s'ya sa harap ng pintuan.



Kanina pa kaya n'ya ako pinapanood sa monitor kaya alam n'ya at kusa na akong pinagbuksan? O baka naman nagkataon lang at palabas naman talaga sana s'ya?



Mabigat ang loob kong humakbang papasok sa unit n'ya. Pakiramdam ko ay sasalang ako sa initiation dahil sa bigat ng pakiramdam ko ngayon.



I have to act normal. Si Blaze lang yan.



Tama nga na binuksan n'ya lang ang pintuan para makapasok ako. Hindi man lang n'ya ako sinabihan na pumasok o binati man lang. Sa halip ay nakita ko s'yang ay prente ng nakaupo sa couch habang ang mga mata ay nakatutok na sa malaking flat screen tv sa harap n'ya.


Honestly, I don't know where to start. His intimidating look was swallowing my pride right now.


The way he's sitting on the couch was shouting pride and arrogance with his hollow eyes. One of his shoulders was resting on the backrest of the sofa.


Biglang parang nanuyo ang lalamunan ko't para akong tangang nakatayo rito.


Bakit ba ako nagkakaganito? Para namang ang laki ng kasalanan ko at may nagawa akong mali para maramdaman 'to.


ELITESWhere stories live. Discover now