One Hundred

469 14 3
                                    

An: Sorry po talaga. November ko pa tapos ang chapter na 'to. Sadyang need ko lang i-revise kaso natagalan sa sobrang busy. Thanks to "I Will Be Your Gloom." Sobrang heart warming. Ganda ganda ng kwento. Nabuhayan ulit ako ng loob. Hindi ako maka-move on. Certified 8loom na 'ko lahit fictional jpop group lang sila. Huhu. Sino po dito ang nakapanood? Share your sentiments please. I can't get enough of them.  Now streaming all of their songs while revising this chap! 🥺



°°°°
#ElitesCutTheChase




TAMA nga ako na sunod sunod ang magiging offer kay Blaze. Dumagsa ang mga short clips nila na ipinopost sa social media ng mga naiintriga sa sa kanya ng mailabas na ang commercial advertisement nila sa tv.




Humakot ng mga likes at comments bawat videos na iyon lalo na at nalaman din ng karamihan ang mga personal social media accounts n'ya. Umingay ng husto ang pangalan ni Blaze sa internet maging dito sa HFA.




Sanay naman na sila sa presence at existence ni Blaze pero ibang ingay ang mayroon dito sa HFA. Ang ingay na kadawit si Keia.




Pumasok ka kaagad, hindi pa humihilom yang mga sugat mo.” hindi ko naiwasan ang magkatono ng pagkadismaya kaya saglit na napatitig sa'kin si Blaze bago unti unting napangiti.




I like it when you're being nosy in a thoughtful way," Blaze clasped his hand and rested his chin on that while staring at me. He leaned closer and made a sly move to whisper in my ears. “Gusto mo na rin ba ‘ko n'yan?” When he withdraws himself, he playfully press his lips together to suppress his smiles.




Imbes na napaiwas ng tingin ay namagnet lang lalo ang mga mata ko sa kanya.





Pabugbog ka na lang ulit. Naalog yata yang ulo mo.” I tried so hard to calm down my voice. Pakiramdam ko kasi ay para akong mauutal.



Nagpanggap akong nagbabasa ng notes habang iniisaisang buklatin ang bawat pahina ng notebook ko.




Kung bakit ba naman kasi napadpad s'ya dito sa tabing upuan ko na dati n'ya ring upuan? Ilang minuto na ang nakakaraan, wala pa rin ang teacher namin para sa susunod na subject. Ang kasunod noon ay magiging vacant na para sa'kin pero hindi para sa mga magpapractice pa ng sayaw para sa darating na JS Prom.





Kanina pa silang dalawa ni Axle na narito sa hanay ng upuan namin dahil kausap nilang dalawa ang kaklase naming si Drake. Pero saglit lang na nakipagusap dito si Blaze dahil mukhang ako ata talaga ang puntirya n'yang guluhin. Si Axle na lang kasi ang nakikipagusap dito habang si Blaze ay nasa akin na naman ang atensyon.





Basta bibisitahin mo ako ulit,” tinaasan ko s'ya ng kilay ng muli ko s'yang tignan. “Tumataas na naman ba yang mga kilay mo? Akala mo ba madadala mo pa ‘ko sa ganyan?” may panunukso ang tono ng boses n'ya.





What?" I was having a hard time to control not to get pissed. Pakiramdam ko kasi ay pinagtitripan na n'ya ako. Pakiramdam ko ay unti unti ng natututunan ni Blaze lahat ng makakapagpahina sa'kin.





Wala," he laughed, in a defeated way. “Sungit mo naman, Miss.” parang nagtatampo nitong boses na alam kong hindi seryoso.






Palihim kong nakagat ang ibabang labi ng hindi na sa kanya tumitingin. Para kasing tanga.





Ginagamit ko lang ang vacant time ko para landiin ka," my lips parted when I immediately turned my eyes to him again.




ELITESحيث تعيش القصص. اكتشف الآن