Forty

2.4K 104 13
                                    


Save Who?

-

Ilang araw na ang nakakalipas magmula noong house party ni Yuri pero hindi pa rin mamataymatay ang issue na yun. Bulungbulungan at usap usapan pa rin ng buong student body.

Kahit na anak sya mismo ng mayari ng school namin, hindi sya nakaligtas sa suspension. Wala ng warning warning, suspended agad sa dami ng napatunayang naargabyado nya.

Pinaiimbestigahan na rin ni Mrs. Hyun lahat ng pasimuno ng bullying sa buong school.

Dahil sa matalas na tainga ni Ellie, nalaman nyang number one daw talagang against si Mrs. Hyun at ayaw na ayaw nito na mababalitaang nagkakaroon ng bullying sa HFA. Hanggang ngayon kasi legendary pa rin ang naging kwento ng buhay nito ng magpanggap ito bilang isang typical at mahirap na babae bago pasukin ang sarili nyang eskwelahan. Sya mismo ang saksi at nakaranas kung paano ang pakiramdam ng mabiktima ng bullying lalo raw ng mga taong nakaaangat sa buhay. Kaya ganito na lamang kalaki ng epekto sa kanya ang napanuod nyang video kung saan anak nya ang numero uno sa lahat ng bullying na nagaganap sa HFA. Muntik nya na rin daw ipatanggal lahat ng nagtatakip sa lahat ng kalokohang ginagawa ni Yuri sa loob ng eskwelahan ng hindi nya nalalaman.

I salute that lady.

Buong akala ko, anak pa rin nya ang kakampihan kahit na mali ito.

"Bes, pengeng water. Hindi ako nakabili sa Caf kanina eh." tumango lang ako.

Hinihingal pa rin ako dahil sa pagod. Kanina pa kami nagpapractice dito sa studio pero hanggang ngayon, wala pa rin ni anino ni Blaze.

Matapos nya akong pagurin noong isang araw ng dahil sa pesteng practice na yun, tapos sya pa itong wala ngayon.

"Two days ding walang pasok bago dumating ang mga VIP'S next week. Sa loob ng two days na yun, maraming gagawing pagbabago dito sa HFA. Medyo nakaka-excite lang kahit papaano. Kahit parang ang unfair. Mas papagandahin at mas aayusin ang HFA ng dahil lang sa mga lilipat na yun." natotonohan ko ang bitterness sa sinabi ni Ellie.

Prente lang kaming nakaupo at nakasandal sa salaming nasa likuran namin.

"Inggit na inggit ka talaga ano?"

"Ano ka ba Bes. Kahit mga Elites, medyo uneasy rin ang pakiramdam. May mga ibang Elites na natatakot dahil baka masapawan na sila ng mga bagong paparating. Sa special treatment ba namang ginagawa sa kanila ng HFA at sa preparation pa lang, akala mo mga anak na ng Prisidente." nakasimangot na pahayag nito.

"Sus. Nasa mga estudyente pa rin naman dito ang kapangyarihan. Kahit ba anong espesyal ang pagtrato sa mga yun, kung buong student body naman ang magkakaisang hindi sila pansinin at bigyan ng special treatment, wala rin." napangisi na lamang ako. Ang babaw talaga minsan magisip ng mga tao.

"Oo nga no!" biglang parang sumigla muli ang mood nya ng tignan ako. "Ikaw na talaga. By the way, sa tingin mo dadating pa si Blaze? Kasi kung hindi mauuna na ko. Marami pa akong gagawin sa office ni Mommy."

"Sige na. Gawin mo na ang gagawin mo."

"Sure ka?"

ELITESWhere stories live. Discover now