Sixty Six

1.2K 55 16
                                    

••••
#ElitesBlaze



Parang noong nakaraang araw lang, sobra kaming nalulungkot at nanlulumo sa pagaakalang posibleng wala na s'ya..na baka nga nilamon na s'ya ng apoy noong gabing yun at tuluyan na s'yang nawala. Pero bakit ngayong nagbalik s'ya, bakit ganoon pa rin ang pakiramdam ko? In fact, parang lumala pa.



What's the plan?”

Hindi ko binigyang pansin ang tanong ni Axle.

Nanatili lang akong pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko habang ang dalawa kong paa ay nakapatong sa mahabang mesa. Nandito kami ngayon sa office ng Royals o mas alam ng iba na Student Council's Office.


Walang plano. Hindi tayo pwedeng makialam.” sagot ni Trust.

Hahayaan lang natin ang nangyayare? Hahayaan lang nating saktan—”


“Mas magiging mabigat para kay Candid kapag nangialam tayo. Alam n'yo yan. Iba sa pagkakataong ‘to. Kailangan nating lumabas sa usaping ‘to kasi yun ang utos sa'tin."

Humigpit ang kapit ko sa hawak na ballpen at napatitig ng mariin dito.

Narinig ko ang malalim na pagpapakawala ni Axle ng hininga. Mukhang pati s'ya, walang maisip na paraan na pwede naming gawin.


We need enough proof.” I firmly said.

Sabay silang tumingin sa'kin.


Enough proof to convince them that she's innocent.” 

Sorry, Candid. Kung hindi kita maipagtanggol ng harapan, pwede  naman siguro kahit sa sarili ko na lang na paraan. Pwede naman siguro sa paraang hindi mo malalaman.

Kagaya ng sinabi ko kay Axle, bumalik ka lang, okay na ako. Malaman ko lang na buhay ka, hindi na ako manggugulo sa'yo. I'll leave you at peace.


Ano pa bang karapatan kong iharap ang mukha ko sa'yo matapos ng nagawa kong pangiiwan ko sa'yo ng gabing yun hindi ba?



Sobra na yung ilang buwan na ginulo kita at ang buhay mo. Sapat na yung nakilala kita ng husto at iniba mo kung ano yung unang pagtingin ko sa'yo.

Hindi mo na deserve pang mahirapan at masaktan pa ng sobra. Yung mga dinadala mo lang, sobra sobra na. Sino ako at lalong sino sila para dagdagan pa?


Pero sana, bago mangyare yun makausap man lang sana kita. Kahit isang beses pa. Isang beses na lang. Pagkatapos nun, ikaw na ang bahala. Kahit hindi mo na ako pansinsin habang buhay. Okay lang sa'kin.

Ilang minuto lang pa ang lumipas at tumunog na ang bell. Hudyat na magbabalik na naman ang dati naming routine sa tuwing umaga.

ELITESWhere stories live. Discover now