Eighty Seven

2.4K 49 7
                                    


•••
#ElitesGame2




Alam kong hindi man ako tumingin kay Blaze ay alam kong napressure s'ya bigla sa tanong kahit na hindi naman sya ang sasagot.


Bahagya kong ihinilig ang ulo.

Sinong lolokohin ko?

Ilang saglit pa ay tumawa ng bahagya ang babae na tila ba tuwang tuwa sa napili kong kulay na pindutin.

Sayang naman Blaze ano? Nahuli si Candid ng dating. Masaya na mahirap siguro mamangka sa dalawang ilog.” Saglit na tumawa muli ang babae na may pangaasar.

Nanatiling blanko ang tingin ko sa screen. Pilit iniiwasang huwag sulyapan si Blaze kung ano ang kanyang reaksyon sa sinagot ko.


Panigurado ay napipikon na si Blaze sa mga sinasabi ng babae.



Sa'yo ulit Blaze. Simpleng tanong lang.


Halimbawa lang din naman na single ka pero si Candid naman itong taken. Aagawin mo ba o hahayaan? Blue kung aagawin. Red kung hahayaan.” 



Halos mapasinghap ako sa tanong. Ang cringe ng mga tanong n'ya.




Lumapad ang ngisi ng babae sa gulat na reaksyon ni Blaze. Pati kasi ako ay hindi na rin napigilang sumulyap rito. Agad rin naman akong umiwas ng tingin ng alam kong susulyapan n'yang muli ako.



Ano ba kasing klaseng mga tanong ito? Kunh pinagtitripan n'ya lang kami, masyado naman ata s'yang maraming oras para paglaanan kami at nagwawaldas ng pera para lang dito.



Parang nangtitrip lang na tanong. Kung wala nga lang patalim na nakatutok sa aking leeg ngayon ay iisipin kong ginu-good time lang kami ng babaeng ito at lalaking kasama namin ngayon.



Kung ano man ang totoong motibo ng babaeng ito at kung may may mapapala ba s'ya sa kanyang ginagawa, iyon ang pinapakiramdam ko pa lang sa ngayon.


Ilan saglit pa ay may umilaw na ang bumbilyang nagiindicate na nakapili na si Blaze.


Saglit akong natigilan at dahan dahan na tumingin kay Blaze. S'ya naman itong salubong ang kilay habang masamang nakatutok lang ang mga mata sa screen.


Aww. Hindi ka man lang ipaglalaban ni Blaze, Candid? Nakita mo yun?” Ngumuso ito na parang naaawa pero ngumisi rin pailalim sa at batid kong sa'kin lang s'ya nakatingin kahit na sa screen lamang iyon.


Ano naman kung hindi? Saka..may boyfriend nga ako halimbawa di'ba? Bakit naman ako ipaglalaban? Bakit aagawin?


Muli ay may nakatutok ng patalim sa leeg ni Blaze hudyat na ako na ulit ang tatanungin.



Muli kong pinakawalan ang malalim na paghinga. Sa twing tututok kasi ang patalim sa leeg ni Blaze ay pakiramdam ko sa sagot ko nakasalalay ang buhay n'ya at kaligtasan n'ya. Kung galos o sugat lang ang matatamo n'ya, alam kong sa akin pa rin yun mangagaling. Hindi man ako ang may hawak ng patalim.





“Balita ko sobrang close mo na kay Blaze?”


Panimula nitong bahagyang tumigil saka ngumisi. Saglit na hindi ako huminga. Nararamdaman kong sa bawat tanong ay paseryoso ito ng paseryoso.



ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon