Sixty Eight

1.3K 69 20
                                    

An: 68 na tayo, ano na Blaze? Haha!
Kaya sabi naman sa inyo, sa patuloy n'yong pagcocomment, babalik ako para magupdate na magupdate. <3 (may chapter 69 na rin po agad)
IG : missyoung_myf

••••
#ElitesFriendship?



“You're not serious, right?” I stated, not actually questioning her.


You know I'm not.” she countered, giving me a mischievous smile.

She were confidently sitting on the swivel chair, stripped her colossal summer hat while tapping her finger on the table. Talagang makatawag atensyon ang get up n'ya ngayon. While Mr. Gamboa sitting professionally as he flips the magazine that he gets when we entered this room.

“Bakit? Anong kailangan n’yo sa’kin?”  I asked in confusion.

Tumagal ng titig ni Miss Coreen sa'kin.

“Nothing. Just messing around with Flatona. You know, she's getting into my nerves. Acting like an owner and reasonable at the same time. My sister and Llide went for a business trip and they told me to look after of their stuffs here. So apparently, I have to stand on her shoes for a while. Wala akong alam sa pamamalakad, but seing that woman humiliated someone who can't defend herself in front of everyone is totally oppressive.”

Bumuntong hininga lang ako. Expected ko naman na hindi kagaya ng gusto kong marinig ang isasagot nya.

But should I thank her? Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat. Pakiramdam ko ay lalo n'ya lang patatagalin ang paghihirap ko rito.

“Don't tell me you're disappointed?”

Hindi ako sumagot.

“Kung natuloy ang pagpapaexpel sa'yo ni Flatona, sigurado akong hindi ka na makakapagtapos. You should be happy. Hindi mo dapat hinahayaan ng basta basta ang ibang tao na nakawin ang kinabukasan mo.” lalo akong hindi nakasagot sa sinabi n'ya dahil alam ko namang malaki ang punto n'ya doon.

Kalahati sa loob ko ang nagsasabing dapat maging masaya na ako dahil sa himalang nangyare, pero kalahati rin ang hindi pa rin mapanatag. Sa dami ng nangyayare, napapagod na rin ako. Kung ano man ang mga mangyayare pa, mangyare na lang. Susunod na lang ako sa agos kung kinakailangan.

Pero isa lang ang sigurado, hindi ko alam kung anong klaseng mukha ang ihaharap ko sa mga tao sa labas. Lalo na sa mga taong nagangat ng pangalan ko. Paano ko sila haharapin kung alam ko naman sa sarili ko ang totoo? Kahit ngayon mismo sa harapan ni Miss Coreen, sa totoo lang ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naguguilty ako.

“Don't think too much Candid. Isipin mo na lang na isang napakagandang fairy Godmother mo ang dumating at sumulpot sa tamang oras at pagkakataon kung saan kailangang kailangan mo.” mapaglaro s'yang ngumiti.


Dapat ba talaga akong huwag magisip sa paraan ng pagkakangiti n'ya?

“H’wag mo rin isiping hindi ako seryoso. Pwede talaga akong maging guardian mo. Anytime you want, pwede kang lumapit sa'kin.” this time ay sincere na syang nakangiti sa'kin.

ELITESWhere stories live. Discover now