Seventy Six

1.3K 44 8
                                    

°°°°
#ElitesContext



Maaga akong nagising dahil sa pagset ko ng alarm. Kailangan ko raw agahan ng gising sabi ni Boss.


Antok na antok pa ako pero sinikap kong bumangon na lang agad. Dumeretso ako agad sa banyo para maligo. Wala na rin sa plano ko ang kumain ng umagahan. Mamaya singhalan na naman ako ni Blaze kapag na-late ako sa usapan.



Hindi na ako pumindot sa door bell at deretso ko na lang na pinindot ang passcode sa may pintuan n'ya. Matapos ay maingat ko iyong binuksan at sinara bago makapasok sa unit n'ya.



Hindi man lang s'ya nagabala ng magangat ng tingin ng makapasok ako. Umupo lang ako sa sofa na katapatan n'ya habang s'ya ay tutok na tutok sa laptop na nasa harapan n'ya. Bale dalawa iyon. Seryoso s'yang may tinatype sa isang laptop habang nagpapabalikbalik ng tingin sa isa pang laptop.




“We need to finish this in two hours. Kailangan natin ‘tong matapos agad para makapunta na tayo sa Batangas. Hapon na tayo makakabalik. I assumed nakapagayos ka na ng mga gamit na dadalhin mo.” He suddenly said in monotonous tone. Nasa dalawang laptop n'ya ang kanyang buong atensyon.





Sinulyapan ko naman ang bag na dala ko na nakapatong na sa tabi ko. “Oo.”




Kailangan n'ya raw kasi bumisita sa factory na ipinapatayo ng Daddy n'ya sa Batangas. Kailangan rin naming matapos na i-print out ang mga papeles na ididistribute n'ya sa mga tauhan ng Daddy nila ss Batangas. He's busy doing his own job in his two laptop habang ako naman ang magpiprint. Marami rami rin kasi ito at hindi pa tapos si Blaze sa sarili n'yang ginagawa kaya may mga times na hinihintay ko s'yang matapos bago ko i-print out and i-xerox lahat.




Kumpleto s'ya sa gamit dito sa unit n'ya. May side dito sa living room n'ya kung saan para na s'yang may mini office dahil may mga printer, desktop computer at kung ano ano pang nakatapong sa kanyang office desk.




Habang nagxexerox ay napapasulyap ako sa seryosong si Blaze habang nakatitig ng maigi sa laptop n'ya. May mga times na napapailing s'ya at hinahagod ang kanyang noo na para s'yang naistress sa ginagawa. Masyado s'yang seryoso at tutok sa ginagawa n'ya. Isa sa mga bagay na nagparealize sa'kin na hindi lang pala talaga simpleng magaaral at student councils President itong si Blaze. Isa rin nga pala s'yang mayamang tagapagmana ni Mr. Dalton na ngayon pa lang ay hinahasa na ng kanyang ama na tumulong sa mga business commitments nito. I just hope na puro legal lahat iyon.




“Hello..Yes, Dad....Of course, I know that... We'll be there in two hours... I know, I know.. Okay.”




Muli akong sumulyap ng ibaba ni Blaze ang cellphone nito matapos kausapin ang ama. He's not pleased in his fathers phone call base on his expression. Salubong na naman ang kilay n'ya at kunot ang noo habang nakatulala lang sa laptop na nasa harapan n'ya.




“Kailangan nating dumaan muna sa Mall later before we go to Batangas. Marami tayong gagawin ngayong araw. So just mind your own job and quit staring.” seryoso at malamig nitong saad ng hindi tumitingin.



Mabilis akong umiwas ng tingin sa sinabi n'ya. Hindi naman s'ya nakabaling sa'kin pero alam na alam n'yang nakatingin ako sa kanya.




ELITESWhere stories live. Discover now