One Hundred Two

193 10 3
                                    



°°°
#Elites11





UNTI UNTI kong ibinaba ang hawak na cellphone ng nakangiti. Pero mabagal ding naglaho ang ngiting yun ng sandaling mapatingin ako sa pigurang bigla na namang lumitaw sa gilid ko. Nandito na naman s'ya.




Laki mong tanga ano? Sa lahat ng matalino, ikaw yung pinakabobo.” matiim n'yang sabi ng may pigil na galit sa boses.



Nagpapanting lagi ang tenga ko sa boses n'ya. Nakakairita.



Naikuyom ko ang mga kamay para itago sa sarili ang inis. Mabilis akong tumayo para lumabas sa kwarto. Naninikip ang dibdib ko sa pagpakipon at alam kong masusuntok ko lang s'ya. Dahil aminin ko man o hindi, apektado ako sa sinabi n'ya. Hindi naman ako maaapektuhan ng ganito kung hindi s'ya tama.




Paulit ulit n'yang pinapamukha sa'kin lahat ng ginagawa kong malayo na sa dati kong prinsipyo. Lagi n'yang pinapaalala sa'kin lahat ng mga mali kong hakbang na alam ko rin namang magpapahamak sa sarili ko. Sa amin.






Galit na galit s'ya kay Blaze dahil s'ya ang sinisisi nito na dahilan ng lahat ng kahibangan ko. Hindi naman ako makatanggi. Parte non ay katotohanan. At ang katotohanang yun ang handa ko munang yakapin sa ngayon dahil gusto ko maranasang maging masaya at malaya, kahit saglit lang.



Mabigat ang mga paa ko sa paglalakad pababa ng bahay. Pakiramdam ko, sobrang bigat ng mga katawan ko na para akong sasabog. Parang may sariling isip ang mga paa kong tumungo sa likod ng bahay.





Walang ano anong sunod sunod akong nagpakawala ng malalakas na salitang suntok gamit ang kaliwa at kanan kong kamao. Hanggang sa pabilis ng pabilis. Walang tigil. Habol ko ang paghinga dahil unti unti ko ng nararamdaman ang pagod pero hindi pa rin ako tumitigil. Lalong tumitindi yung paninikip ng dibdib ko na lalong nagpapadagdag ng bigat sa bawat suntok kong pinakakawalan.





Hanggang sa hindi ko na lalong nasundan ang kilos ko. Hindi ako tumigil sa pagpapakawala ng suntok kahit sumabog at nabutas na ang punching bag na sinusuntok ko.





Hinay hinay lang. Hindi yan lalaban.”




Tumigil akong habol ang paghinga habang nakahawak sa punching bag bago bahagyang tumungo. Sunod sunod na tumutulo ang mga butil ng pawis galing sa mukha ko at pag-agos naman sa katawan ko.




Hindi ako sumagot at hindi rin ako lumingon kay Kurt.




Anong nagpapagulo sa isip mo? Pati punching bag pinagbubuntunan mo.”





Malalim ang paghinga ko dahil sa pagod ng pumihit ako paharap. Pero hindi ko s'ya tinignan. Diretso lang ang tingin sa lalakaran.



Wala ka ng paki don.” malamig kong sabi bago maglakad at lagpasan si Kurt.





Naiwan s'ya doong nakatayo lang at kahit hindi ko s'ya tinignan, alam kong nagulat s'ya sa tono ng pagkakasabi ko. Pero pilit ko yung isinantabi sa gilid ng utak ko.






Padarag akong bumalik sa kwarto. Habol pa rin ang hiningang walang ano anong muli akong sumuntok pero sa pagkakataong ito ay sa pader na. Paulit ulit kong sinuntok hanggang sa masatisfy ako sa bawat tulo ng dugong nanggagaling sa kamao ko. Gusto kong pigilan ang sariling maramdaman ang itinatagong emosyon na gusto ko munang isantabi kahit ngayon lang.





Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 23 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

ELITESTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang